Tulad ng inasahan ko, ay umaga pa lang, ginising na ako ni Lolo at sinabing may naghahanap sa akin. Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Cassandra na nakatayo doon, habang may sukbit na bagpack. Kita ko ang pamamaga ng mata niya, at ang malungkot na awra niya, na para bang ang tagal tagal na niyang umiiyak. Simpleng t-shirt at pantalon lang ang suot niya, at wala rin siyang suot na violet na lipstick, kaya hindi siya matapang tingnan ngayon. Iniwan kami nila Lolo para makapag-usap. “Paano mo nalaman ang lugar na ‘to?” She smirked. “Siyempre, mahal ako ng nanay mo, e.” “Anong ginagawa mo dito?” “Kasi nandito ka?” tumawa siya ng parang hindi makapaniwala. “Akala ko ba uuwi ka na? Alam mo bang araw-araw akong naghihintay sa ‘yo? Lagi akong nagti-text at tumatawag sa ‘yo pero kahit isa w

