Nang matapos na niyang ilagay ang damit ko kasama ng damit niya ay muli siyang bumalik sa akin. Kahit na nahihilo ako gawa ng tama ng alak sa akin ay kitang-kita ko kung ang pagtataka sa mukha niya. “Oh? Tinititigan mo na naman ako. Hmmm…” hinawakan niya ang kamay ko at sinamahan niya akong lumusong sa dagat. “Tara na, nang mabawasan ‘yung kalasingan mo na ‘yan.” Hinila niya ako, pero pinigilan ko siya na siya namang ikinagulat niya. “B-Bakit?” Tumingin ako ng seryoso sa kanya. “Hindi naman ako kasing-lasing tulad ng iniisip mo. Nahihilo lang ako, pero alam ko pa lahat ng ginagawa ko at nangyayari dito.” She chuckled. “Oh, eh, kaya nga tara na para mabawasan ‘yung hilo mo.” Muli niya akong hinila pero pinigilan ko ulit siya. She looked at me. “Sagutin mo nga ako, bakit mo ako hinalikan

