Kabanata 3

1676 Words
Halos sabay kaming napalingon ni Sidney sa entrada ng cafeteria nang narinig namin ang sigawan mula sa iilang estudyante. Naroroon si Florence Moreno at naglalakad papasok na para bang siya ang hari sa eskwelahang ito. Pero kung tutuusin siya naman talaga ang hari dito. Pamilya niya 'yong may ari ng Dewford High at Dewford Academy e. Nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya. Kanina lang ay magkasama sila ni Diego e. Bakit kaya ngayon lang 'to pumasok dito sa cafeteria? "Let's go, Rachel?" "Ha?" agad na tanong ko kay Sidney nang naglipat ako ng tingin sa kan'ya. "I'm done with my food," aniya. Mabilis akong nagbaba ng tingin sa plato ko. Hindi pa ako tapos kumain. "Ang bagal mo kasing kumain," komento niya. "Hindi naman kasi ako katulad mong kahit nagsasalita ay lumalamon," sabi ko habang lumalamon na rin. Kailangan kong ubusin ang carbonara na 'to dahil maliban sa paborito ko 'to ay libre ko lang na kinakain 'to. "Anyway, sasali ako sa Ms. Dewford High this year. Do you think mananalo ako?" Uminom pa muna ako ng coke bago ako sumagot sa kan'ya. "Siyempre naman no! May pag asa kang manalo!" Hindi kasi ako sure na mananalo siya kahit pa matalino at maganda siya. Nagbabalak din sana akong sumali pero kung sasali si Sidney ay hindi na lamang ako sasali. Beauty and brain ang labanan sa mga pageant. Brain lang ang mayroon ako. "Nagdadalawang isip ako. Baka kasi matalo lang. Nakakahiya 'yon!" "Akala ko ba walang hiya ka?" sabay tawa ko. "Wala ka talagang modo kausap, Rachel no? Tapos ka na ba? Ang tagal mong lumamon. Nagpapa-cute ka pa d'yan. May pinapa-cute-an ka ba?" "Gaga! Wala no! Hindi naman kasi ako katulad mong kahit malaki ang subo ay maganda pa rin." "Here we go again. I already told you. I won't be friends with you if you're not pretty. Lagi mo na lang minamaliit 'yang beauty mo." Napasinghap siya. "Omg! Ikaw na lang kaya ang sumali?" Hindi agad ako nakasagot sa kan'ya. Iyon nga ang plano ko pero marami rin naman akong rason para hindi sumali. "Tara na nga, baka ma-late pa tayo sa klase natin," sabi ko na lang. Hindi na rin sumagot pa sa akin si Sidney at agad na ring tumayo. Lumabas kami ng cafeteria na hindi na ako muli pang lumingon sa grupo nina Diego. Baka kasi nakatingin na naman siya sa akin. Assume pa, Rachel! "Sabay na tayong umuwi. Hatid ka na namin," sabi ni Sidney matapos ang huling klase namin sa araw na 'yon. Mabilis akong umiling. "Hindi na, Sid. May pamasahe naman ako. Mag je-jeep na lang ako," tugon ko. Kumunot ang noo niya. "Ayaw mo talagang sumabay sa amin no? Nagtatampo na ako sa 'yo, Rachel." "Ha? E, kasi..." "Huwag ka ng mahiya kay kuya. Ano ka ba!" Wala sa sarili kong nakagat ang labi ko. Hindi ako nahihiya sa kuya niya, iyon ang totoo. Manonood dapat ako ng practice game nina Diego. "Pero kasi—" Hindi na ako hinayaan ni Sidney na tapusin ang pagrarason ko. Hinila niya na lang ako basta. "Sid..." "Sasabay ka sa amin whether you like it or not." Napapabuga na lamang ako ng hangin habang nagpapatianod sa hila ni Sidney. Hindi ko na siya mapipigilan pa dahil desidido na talaga siyang isasabay niya ako sa pag uwi. May kausap sa telepono ang kuya ni Sidney nang abutan namin siya sa parking lot. Mabilis rin naman niyang ibinaba ang kan'yang telepono nang napansin niya kami. "Sasabay ka sa amin sa pag uwi?" tanong sa akin ni Tairon. Imbis na sagutin siya ay humarap ako kay Sidney. "Ayaw yata akong pasabayin ng kuya mo," sabi ko. Wala akong intensyong iba. Nais ko lang na hindi makasabay sa kanila. "Kuya?" may pagbabanta sa boses ni Sidney nang humarap siya sa kuya niya. Lumingon ako kay Tairon at nakita ang pagtataas nito ng kilay. "Wala naman akong sinabing ayaw kitang isabay pauwi, Rachel. Nagtatanong lang ako dahil finally sasabay ka na sa amin," aniya sabay ngiti. Nagpang-abot ang mga kilay ko. Ibig ba niyang sabihin ay gusto niya akong isabay pauwi? "Hear that, Rachel? Gusto ka rin makasabay ni kuya pauwi. Kaya let's go na! Huwag ka ng maarte d'yan." si Sidney. Wala na akong nagawa at isinabay nga nila ako sa pag uwi. Pero agad akong napatingin kay Sidney na nasa front seat nang napansin kong hindi patungo sa bahay ang daang tinatahak namin. "Saan tayo pupunta?" tanong ko. "Sa bahay namin," si Tairon ang sumagot. "Ha? Bakit?" "Birthday ni Kuya Oliver ngayon. Naghanda si mommy ng konting salo-salo," si Sidney. "Ha? Naku, Sidney! Hindi na. Nakakahiya sa mommy niyo." "Kilala ka na ni mommy kaya walang problema kung dalhin ka namin. And don't worry, wala mas'yadong bisita." "Pero..." "Hay naku, Rachel! Puro pero." Naman kasi! Naka uniform pa ako at siguradong nangangamoy araw na ako. Nakakahiya at papasok ako sa mansyon ng mga Lim na ganito ang hitsura ko. "Hindi ba puwedeng maligo muna ako sa bahay o 'di kaya'y kahit magbihis man lang?" tanong ko. "No! Kapag nakauwi ka, I'm a hundred percent sure na hindi ka na dadalo sa party ni Kuya Oliver. Kaya sa bahay ka na namin maliligo at magbibihis. Marami akong damit na hindi pa nagagamit kaya don't pressure yourself too much, okay?" Hindi na ako sumagot pa kay Sidney at nag-aalalang mga tingin lang ang ipinukol ko sa kan'ya. Naunang lumabas ng sasakyan si Tairon pagkarating namin sa bahay nila. Ang akala ko'y mauuna na siya sa amin pero nagtungo siya sa likuran at pinagbuksan ako ng pintuan. Si Sidney kasi ay abala sa ginagawang pag aayos sa mga gamit niya. "Salamat," mahinang sabi ko kay Tairon, sapat na para marinig niya. "Anything for you," nakangiting tugon niya. Napaangat ako ng tingin sa kan'ya dahil sa tugon niyang 'yon. Nagtaas naman siya ng isang kilay sa akin, nagtatanong marahil sa tinging ipinukol ko sa kan'ya. "Guys, let's go," ani Sidney, dahilan upang matigil ang pagkakatitig namin ni Tairon sa isa't-isa. Pang ilang beses ko na sa bahay nina Sidney pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mamangha sa ganda ng bahay nila. Isang malawak na hardin kung saan naghahanda ang mga katulong nila ang sumalubong sa amin. "8pm pa ang start ng party kaya marami pa tayong oras para maghanda," sabi ni Sidney. Hindi ako sumagot sa kan'ya at nagpatuloy lang ako sa paglinga habang naglalakad kami papasok ng bahay nila. Ang sabi ni Sidney ay simpleng salo-salo lang, pero mukhang iba ngang talaga ang simpleng salo-salo ng mayayaman at sa mga mahihirap na katulad ko. Nag diretso kami sa kwarto niya at nauna na siya sa pagligo. Inilipag niya rin sa malaki niyang kama ang mga damit na nais niyang pagpilian ko para suotin. Marami iyon at pare-parehong magaganda kaya nahirapan akong mamili. "So, may napili ka na ba?" tanong niya nang nakalabas siya ng banyo habang nagpapatuyo ng buhok. "Uhh... Kahit saan na lang siguro d'yan, Sid. Pare-parehas lang naman silang lahat magaganda." "What? Wala ka pang napipili? Yes, they we're all pretty. Pero hindi lahat ng 'yan ay magpapakinang sa 'yo. Every dress has their own way of making you beautiful. Kaya maligo ka na lang muna at ako na ang bahalang pipili ng damit para sa 'yo." Sinunod ko siya at pumasok na nga lang ng banyo niya. Mahilig sa pink si Sidney kaya hindi nakapagtatakang pinaghalong puti at baby pink ang kulay ng kan'yang banyo. Mabilis akong naligo. Hindi na ako nagtagal sa banyo dahil nakakahiya na kung paghihintayin ko pa si Sidney. Pagkalabas ko'y halos natulala ako sa ganda ng suot niyang casual dress. Tapos na siya sa pag aayos at napakaganda niyang talaga. "Ang ganda mo, Sid," nakangiting sabi ko sa kan'ya. Hinawi niya ang buhok niyang nakasampay sa balikat niya. "I know. Lagi naman," nakangiti ring tugon niya. "Sige na. Maupo ka na rito para ma-make-up-an na kita." "Make-up?" gulat kong tanong. Hindi talaga ako sanay sa make-up. Hanggang lip tint at pulbo lang ang kaya ng budget ko kaya wala talaga akong idea kung anong hitsura ko kapag may make-up na. "Bakit? Don't tell me, ayaw mong magpalagay?" Agad akong umiling "Gusto ko," sabi ko. Malaki ang naging ngisi ko kay Sidney nang tumili siya. Halata sa kan'yang magandang mukha na excited siyang lagyan ako ng make-up. Naupo ako sa harap ng kan'yang vanity at hinayaan siya sa kung anumang ginagawa niya. "Marami akong stocks ng make-up, since everyday nga akong nag s-shopping. Dalhin mo 'yong iba mamaya 'pag uwi mo," usal niya habang nilalagyan ako ng cream. "Naku! Huwag na, Sid. Hindi naman ako marunong maglagay ng make-up. Matatambak lang 'yon, masasayang lang." "Don't worry. I'll teach you how para naman lumantad na rin 'yang ganda mo." Hindi na ako sumagot pa dahil sa tuwing nagsasalita ako pakiramdam ko'y nagiging pabigat ako sa ginagawa ni Sidney na pagma-make-up sa akin. "Done," masayang anunsiyo ni Sidney. Marahan akong nagmulat ng mga mata. Paunti-unti, hanggang sa tuluyan na ngang nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang may magic nga pala talaga ang make-up. Hindi ko maintindihan kung paano nito nagagawang pagandahin ang isang tao. Pero sobrang ganda ko. "Sidney..." hindi pa rin makapaniwala sa nakikitang anas ko. "Yes, Rachel Ann?" natatawang tugon ni Sidney. "Ang ganda ko, Sid!" Hindi siya sumagot at tinawanan lamang ako. Bigla namang tumunog ang cellphone niya kaya nakuha niyon ang atensyon niya. "Someone's calling. I need to pick this up. Labas lang ako sandali ah? Magbihis ka na rin. Nasa kama 'yong dress and heels mo," aniya at nagmamadali nang lumabas. Nangingiti pa rin akong nakatutok sa salamin. Unang beses kong nakita ang sarili kong ganito ka-ganda kaya sobrang naa-amaze ako. Humugot ako ng malalim na hininga saka nagdesisyong suotin ang inihandang damit ni Sidney para sa akin. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aabot ng zipper sa likod nang biglang bumukas ang pintuan. "Paabot nga, Sid," sabay lingon ko sa pintuan. Hindi ko man lang naisip na maaaring hindi si Sidney ang pumasok. "Putcha!" malutong na mura niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD