Nandito ako ngayon sa bahay at kasama ang mga kapatid ko. Parang sinaniban ata ng mabuting ispirito si Lucky at pinayagan akong dumalaw dito sa bahay. Bawat isa sa kanila at binilhan ko ng pasalubong. Kitang-kita ko naman ang saya sa mga mukha ng aking kapatid. Si Rachel na bunso komg katapid ay yakap yakap pa rin ang spongebob na unan na si Lucky mismo ang bumili. Si Clint naman au panay pindot sa bago niyang cellphone. Kaya ko siya binilhan ang cellphone para may gagamitin siya sa kanyang online class. Si Wyn naman ay bagong damit at sapatos ang binili namin ni Lucky. Hindi ko rin maiwasang mapangiti habang nakatitig sa kanila. Ito ang pinapangarap ko mula noon pa ang mabigyan sila ng mga regalo at maging masaya. Bigla namang nag vibrate ang cellphone ko. As usual, wala naman ibang nag

