Naghilamos ako sa loob ng banyo. Paano kung niloloko lang pala ako ni Maureen? Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi niya na alam nito kung sino ang nagpapatay sa mga magulang ko. Paano niya nalaman? Doon ba siya nang mangyati ang bagay na 'yun? Nagpakawala ako mg isang malalim na hininga. Nakakatakot kung magalit si Maureen pero kailangan kong trabahuhin si Lucky. Si Tito Robin ang may kasalanan kung bakit nalaman nila sa bahay na naging bayaran ako. Siya rin ang nag inform kay Maureen tungkol sa amin ni Lucky. Hindi ko naman ginawa sana iyon kung tinulungan niya ako noong humingi ako sa kanya ng tulong. Napaka damot niya talaga, parang hindi na niya kami kinikilalang kamag-anak. Kapag sa ibang tao ang bait niya at mapagbigay. Ganoon ka pakitang tao si Tito Robin.

