Umalis nga ako sa bahay ni Lucky at umuwi sa amin. Hindi na rin ako naghimasukan sa Bar bilang isnag waitress. Nandito ako ngayon sa isnag Mall para pumasa ng aking biodata sa isang job fair. Kailangan kong makahanap kaagad ng trabaho para sa mga kapatid ko. Kahit na nasasaktan ako ay hindi iyon dahilan para magmukmok ako sa isang sulok lalo na at may mga kapatid akong umamasa sa akin. Kagabi pa nagtatanong sa akin si Ben kung bakit biglaan ang pag-uwi ko pero hindi na ako nagpaliwanag pa sa kanya. Ayoko ko ng pag-usapan pa ang mga nangyari. Kahit si Reign ay hindi ko rin kinakausap dahil sa sama ng loob ko sa kanya. Napakaraming tao ang nagpipili at biglang kumulo ang aking tiyan. Napatingin ako sa relo na suot ko at alas nwebe na nang umaga. Maaga rin akong umalis sa bahay at hindi ako

