As expected, nang makarating kami sa bahay ni Lucky nandoon na kaagad si Maureen. Naabutan pa namin siyang umiiyak sa balikat ng Mommy ni Lucky na akala mo bata tapos ito naman si Mrs. Gulbory panay hagod sa likod ni Maureen para lang mapatahan. Masama pa ang tingin na ipinukol sa akin ni Mrs. Gulbory at bumaba ang kanyang tingin sa mga kamay namin ni Lucky na kanina pa naghahawakan. Kaagad ko naman binitiwan ang kamay nito at tumikhim na para bang wala akong pakialam kahit na nandiyan pa siya. Ang Daddy naman ni Lucky parang wala lang din pakialam. Inom lang siya nang inom ng taquilla at hindi manlang makuhang tumingin sa amin. "What's bring you here, Lucky? Kasama mo p talaga ang babaeng 'yan?! Hindi b sinabi ko na sa'yo na layuan mo na siya at fiancee mo na si Maureen. Isipin mo nama

