“Do you have suitors? How many? Do I know them?” sunod-sunod na tanong ni daddy ninong sa akin nang makaalis ang mga kaibigan niya.
Sa sobrang inis niya kanina ay nag-walk out siya kahit pa hindi pa ubos ang laman ng plato niya.
Hinanap ko siya at dito ko siya sa garden natagpuan. Nakapamulsa habang nakatingala sa malawak na kalangitan nang madatnan ko.
“Why didn't you tell me that you have a lot of suitors, Zairyle?”
Natawa tuloy ako bigla dahil nagbibiro lang naman ako kanina. Sinabayan ko lang naman si Tito Accius kanina sa pagbibiro niya sa akin.
“Hindi ako natutuwa, Zairyle.”
“Hindi naman po totoo na may nanliligaw sa akin, Daddy Ninong,” pag-amin ko. “Nagbibiro lang naman po ako kanina. At saka kung mayroon man, sasabihan ko po sila na hindi pa ako handa dahil bata pa ako. Isa pa, alam kong magagalit po kayo kapag nalaman ninyo na may boyfriend na ako.”
“I will really smash your boyfriend's face until his family doesn't recognize him if ever that you already have,” seryosong wika ni daddy ninong. "I'm serious and I really mean it."
Alam ko na ganito ang mangyayari kaya iniiwasan ko talaga na may manligaw sa akin.
Kung meron man ay sinasabihan ko na agad para alam na nila na bawal pa akong mag-boyfriend.
"Hay naku, Daddy Ninong. Nakakatawa po talaga kayo."
“I'm not joking.”
“Paano naman may manliligaw sa akin kung hatid-sundo n’yo po ako? Takot na takot nga sa inyo ‘yong mga kaklase kong lalaki, eh.”
“Dapat lang na matakot sila dahil hindi ko sila sasantuhin kahit magsama-sama pa sila,” wika ni daddy ninong na salubong pa ang mga kilay kaya hindi ko maiwasan na hindi matawa.
“Do you think, I'm f*****g joking?”
Umiling-iling ako habang pigil ang tawa ko.
“I mean it, Zairyle. Try me.”
Imbes na sagutin ko ang mga sinasabi ni daddy ninong ay ipinalibot ko na lamang ang mga braso ko sa baywang niya kaya napatitig ito sa akin.
“Daddy Ninong, kung may manliligaw man po sa akin, ikaw po ang unang makakaalam no’n dahil sa iyo po ako nagsasabi sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Mas sa iyo pa nga po ako nagsasabi ng lahat kaysa sa mga magulang ko, eh. Siyempre, ikaw po ang nakakasama ko palagi kumpara sa kanila.”
“Dapat lang.”
“Wala rin namang akong balak na maglihim sa iyo,” sabi ko pa. “Mahal na mahal kita kaya wala akong balak na bigyan ka ng problema o sakit ng ulo.”
“You should be,” anito sabay halik sa noo ko. “Don't make me mad because even me, I don't recognize myself when I'm mad. I just want you to finish your studies before anything else."
“Alam ko po ‘yon, Daddy Ninong.”
“Good.” Niyakap na rin ako ni Daddy Ninong pabalik. Mas mahigpit kaysa sa yakap ko. “Ihahatid na kita sa inyo dahil hindi kita maaasikaso rito.”
“Bakit po?”
“May pupuntahan akong meeting at madaling-araw pa ako makakabalik.”
“Okay po.”
“Let's go.”
Habang naglalakad kami ay nakaakbay si Daddy Ninong sa akin samantalang ako naman ay nakayakap sa baywang niya.
Naghiwalay lang kami no'ng papasok na kami sa loob ng kaniyang sasakyan.
Habang nasa biyahe ay panaka-naka kong tinatapunan ng tingin si Daddy Ninong.
Mabait si Daddy Ninong subalit sobrang higpit. Mahigpit pa sa mahigpit.
“We're here,” imporma niya sa akin nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin.
“Thank you, Daddy Ninong. Ingat po.”
“You too.”
Hinalikan ko muna sa pisngi si daddy ninong bago ako bumaba sa sasakyan niya. Hinintay niya muna na makapasok ako sa loob bago niya pinaandar ang sasakyan niya.
“Saan ka natulog?” bungad na tanong ni Yaya Marissa sa akin nang pagbuksan ako nito ng pinto. “Hindi ka raw matawagan ng mga magulang mo kagabi. Sino ang kasama mo? Si Vinzhel ba?”
“Alam naman po nila kung saan ako natutulog kapag wala ako rito, Yaya.”
“Oo nga. Kaya lang, hindi ka raw kasi nagsabi sa kanila. Hindi ka raw matawagan.”
“Saan na po sila?”
“Pumasok na.”
“Ganoon po ba?”
“Teka, kumain ka na ba?” sa halip ay tanong ni Yaya Marissa. “Nagluto ako ng paborito mo. Gusto mo bang kumain?”
“Kumain na po ako, Yaya.”
“Ganoon ba?”
“Opo.”
“Sabagay, hindi naman hahayaan ni Vhinzhel na magutom ka.”
Ngumiti lang ako. Kapag nandito ako sa bahay ay nalulungkot lang ako dahil madalas ay kaming dalawa lang ni Yaya Marissa ang magkasama. Hindi naman pagod si Yaya Marissa dahil pagluluto lang naman ang ginagawa niya. Mayroon kasi kaming tagalinis at tagalaba pero uwian sila kaya naman halos si Yaya lang ang nakakasama ko kapag nandito ako sa bahay namin hindi kagaya sa bahay ni daddy ninong na marami kaya hindi nakakalungkot masyado.
“Yaya, uuwi ka po sa probinsya sa darating na bakasyon, ‘di ba?”
“Oo, bakit?”
“P’wede po ba akong sumama sa inyo?”
“Sa tingin mo ba papayagan ka ng mga magulang mo kapag sumama ka sa akin? Hindi siguro, Zairyle.”
“Bakit naman po hindi?” tanong ko. “Eh, wala naman po akong gagawin dito, eh.”
“Tingnan natin kung papayagan ka. Kung papayagan ka nila, aba’y maganda. Kung hindi, wala tayong magagawa.”
“Kahit hindi sila pumayag, sasama pa rin ako, Yaya," giit ko.
“Aba’y hindi maaari,” wika ni Yaya Marissa. “Pareho tayong mapapagalitan kung magmamatigas ka.”
“Siguro kay Daddy Ninong na lang ako magpapaalam,” saad ko. “Tiyak na papayagan ako no’n, Yaya.”
“Ewan ko lang. Tingnan natin. Kung mahigpit ang magulang mo ay doble pa yata ang higpit ni Vhinzel.”
“Hindi naman po siguro, Yaya. Sa lunes po kapag hinatid niya ako ay magpapaalam na po ako. Tiyak na papayagan ako ni Daddy Ninong lalo pa’t bakasyon naman.”