ISANG malamlam na liwanag ng mga ilaw ang sumalubong kay Danna-ann pagkapasok niya sa loob ng mask bar.
Katulad ng dati noong kasama niya si Shenna ay may sumalubong din sa kaniya para tulungan siyang makahanap ng puwesto.
“This way ma’am,” anito sa kaniya ng staff na lalaki na sa tingin niya ay isa rin sa mga waiter ng bar.
Ang napili nitong puwesto para sa kaniya ay sa bandang dulo na bahagi ng dance area, na kung saan mayroong mga nagsasayawan na pareha sa saliw ng isang love song.
Nang mapansin niya ang bote ng isang brandy na nakapatong sa table ay ipinagtaka niya iyon. Tila may nakapwesto na roon dahil may alak nang nakalapag. Kaya nagtanong siya sa waiter.
“Ahm, hindi kaya may nakapwesto na rito?”
“Wala po, Ma’am.”
“Pero kasi may nakalagay ng alak sa lamesa, eh.”
“Ahm, sadyang nakalagay na po iyan riyan. Pa-free po iyan ng MB para sa mga katulad ninyo pong mga guest.”
“MB?” tanong niya sapagkat bago iyon sa kaniyang pangdinig.
“ MB, na ang ibig sabihin po ay pinaikling word lamang ng mask bar, ma’am.”
“Ahh. . .”
Matapos marinig mula iyon sa waiter ay nagpalam na rin ito sa kaniya kaya agad siyang nagpasalamat sa ginawang pag-assist nito sa kaniya sa loob.
“Thank you,” wika niya sa lalaki. Ngumiti naman ito sa kaniya bago siya tuluyang iniwanan.
Habang nakaupo, iginala niya ang paningin higit lalo sa mga taong nagkalat sa kung saan-saan bahagi ng MB, short name for mask bar nga raw. Napansin niyang malaki ang pagkakaiba ng MB ngayon kumpara sa noong napuntahan nila ng kaibigan si Shenna.
Paikot ang pwesto ng mga chairs and table at ang dance area ay nasa pinaka center place. May bandang siyang tumutugtog kung saan nagmumula ang mga lovesong music.
Napansin din niyang mas marami rin ang walang nakamaskara sa paligid kompara noong unang makapasok siya ng MB. Iilan-ilan lang ang nakikita niya na mga mayroon suot.
Natatandaan niya ang itsura ng suot na maskara ni Code Zero. Iyon lang ang tanging basehan niya.
Sa mga nakikita niyang iilan na naroroon na mga nakamaskara ay hindi niya pa nakikita ang katulad ng kay Code Zero.
Tiningnan niya ang oras sa suot na relo. Alas onse pasado na. Marahil siguro wala pa si Code Zero at naniniwala siyang hindi man niya ito makita ng kaniyang mga mata siguro naman ay ito mismo ang lalapit sa kaniya oras na makita siyang narito na siya.
Hindi niya ugali ang maghintay, sapagkat mas gusto niyang siya ang hinihintay pero ngayon handa siyang maghintay sa paglapit ni Zero sa kaniya. Sana nga lang ay lumapit nga ito sa kaniya.
Kapag lumapit ito sa kaniya ngayon tsaka na siya gagawa ng hakbang. Ayaw niyang masayang ang effort niya sa pagpunta rito ng walang malinaw na resulta pagkatapos.
Dumako ang paningin niya sa alak na nakalapag sa mesa. May baso na rin doon. Tila iyon nag-aanyaya na inumin niya. Wala naman sigurong masama kung kukuha siya roon para inumin. Sinabi naman kasi ng waiter kanina para talaga sa katulad niyang guest ang alak na iyon.
Eksaktong dadamputin na niya ang bote para magsalin sana sa baso pero natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon na nagsalita buhat sa kaniyang likuran.
“Care to join with you?” saad ng baritonong boses na iyon na hindi niya maaaring kalimutan dahil tumatak na talaga iyon sa kaniyang isipan at pandinig.
Mabilis siyang lumingon at halos lumundag siya sa tuwa sapagkat ang nakikita niya ngayon ay ang nais niya talagang matagpuan dito. Hindi siya maaaring magkamali dahil tandang-tanda niya ang maskarang suot nito ngayon. Iyon ang suot ni Mr. mask man niya binansagan nang gabing iyon, ngunit tawagin daw niya ito bilang Code Zero ayon mismo rito.
“Hi, little girl. Do you still remember me?” tanong nito sa dalaga bago umupo sa tabi nito mismo.
Napasinghap si Danna-ann ng hangin ng marinig ang itinawag nito sa kaniya. Bigla niya tuloy naisip si Manong Ethan ang taong nagpaligalig din ng kaniyang isipan.
“Of Course, yes. Puwedi ko bang makalimutan ang taong may kinuha sa akin ng gabing iyon kung kailan tayo nagkakilala,” aniya sa nakamaskara na may nakapaskil na ngiti ngunit diretsong nakatingin sa mga mata nito.
Mahinang tumawa ito na narinig pa ng dalaga. Oh, kay sarap sa kaniyang pandinig ang munting pagtawa nito. Tumaas ang balahibo niya ng ilapit nito ang bibig sa tainga niya tsaka nagsalita.
“Im sorry my little girl, pero kung plano mo na kumbinsihin ako na ibalik iyon sa iyo, alam mong hindi ko na iyon maibabalik pa, bagkus ang tangi ko lang magagawa ay muling iparanas sa iyo ang pagkakataon na iyon kung nanaisin mo ulit.”
Napalunok si Danna-ann sa sinabi nito dahil alam niya ang tinutukoy nito. Tila siya biglang nag-init na hindi niya na naman maintindihan. Bakit kumabog bigla ang puso niya? Excited ba ito o ano?
Dahil doon ay dinampot niya ang alak para magsalin sa baso pero katulad kanina ay muling hindi iyon natuloy sapagkat pinigilan ni Code Zero ang kaniyang mga kamay.
“Don’t drink this. Bago pa man kita nilapitan dito ay nagsabi na ako sa isa sa mga waiter dito na magdala ng maiinom natin.”
“Sabi ng waiter kanina na para daw talaga iyan sa mga katulad kong guest.”
“Oo tama ka naman diyan pero tsaka na natin inumin iyan kung sakaling mabitin ka sa in-order ko para sa ating dalawa.”
Sino ba naman siya para tumanggi.
Hindi maialis ni Danna-ann ang paningin dito. Sa bawat pagbuka ng labi nito kapag nagsasalita ay iba na ang impact sa kaniyang sistema. Ang bawat pagsasalita nito ay tila palaging may halong mahika sa kaniyang pandinig. At ang mga labi nitong parang kay sarap mahagkan muli. Nang bigla siyang matigilan sa naisip.
Nahagkan na nga ba siya nito? Bakit wala siyang matandaan? Maliban sa alam niyang may naganap na sa kanila sa unang pagkakakilala pa lang nila.
Naputol ang daloy ng mga tanong sa kaniyang isipan nang muli itong magsalita.
“Masaya akong nakarating ka pa rin dito. Ang buong akala ko ay hindi mo matatagpuan ang MB. Sa pagkanais kong mapadalhan ka agad ng invitation card bilang passes mo rito sa loob nakalimutan kong lagyan ng pinaka landmark upang mahanap mo ito.”
Ngumiti siya kay Code Zero. “Its okay natagpuan ko naman at salamat doon sa dalawang babaeng nakita ko na may hawak din na invitation. Kung hindi ko sila nakita, malamang hanggang ngayon naroon pa rin ako sa labas? Pero napansin ko lang, huwag mo sanang masamain, ha. Bakit nalipat yata? tsaka iba siya ngayon unlike before?”
Nagkibit muna ito ng balikat, tsaka inilapit ang mukha sa kaniya ng husto at pabulong na nagsalita. “Bawal kaming sumagot sa mga tanong na may kinalaman sa MB kaya mas mabuting i-keep mo na lang ang lahat ng tanong mo sa sarili mo. Mas mag-pokus ka na i-enjoy ang gabing ito kasama ako rito sa MB.”
Iyon naman talaga ang gusto ni Danna-ann ang ma-enjoy ang MB kasama ito. Pero nang biglang maalala ang nangyari sa pass card niya, hindi niya naiwasan ang mapangiti sa gitna ng matamis na pagkakatitig nito sa kaniya.
“Para saan ang ngiti na iyan, little girl?” tanong ni Zero sa dalaga.
Inilayo niya ang mukha kay Zero muna bago nagpasiyang magkwento rito. Matapos iyon ay muling sumilay ang nakaaakit na mga ngiti nito sa labi.
“Kaya pala noong makita kita sa entrance door parang nagkakaroon kayo ng komusiyon ng nakatagang checker roon. Kaya naisipan kong tawagan ito para alamin nga kung anong nayayari at iyon nga ang sinabi niya. Pasensiya ka na kung hindi na ako lumapit. Inabangan na lang talaga kita rito sa loob.”
“Ah kaya pala,” aniya rito ng maisip ang nangyari kanina kung bakit bigla na lang siyang pinapasok. “May matandang walang magawa sa buhay kasi ang gumawa niyon sa passes card kong galing sa iyo. Ewan ko ba roon. Duahh! Alam mo iyon masyadong papansin na ewan.”
“Matanda talaga?” turan ng lalaki sa kaniya.
“Oo, matanda na talaga iyon. Mahigpit na ewan din sa akin. Mabuti nga at hindi iyon nagpapakita sa akin ngayon. Kung makabantay rin akala mo tatay ko eh.” Hindi napigilan ni Danna-ann na magsabi-sabi na.
Nang mapansin niya na tila seryoso si Zero sa pakikinig sa mga sinasabi niya tungkol kay Manong Ethan ay bigla siyang natigilan.
Namalikmata lang ba siya na parang naningkit ang mata nito. Iba ang dating sa kaniya niyon kasi. Nabanaag niya ang inis sa mata nito sa mga pinagsasabi niya. Kaya bago pa magbago ang mood nito bigla na siyang kumabig.
“Ay, huwag na natin siyang pag-usapan at naiinis lang ako. Salamat nga pala at naisip mo akong imbitahan ulit dito.”
“My pleasure little girl,” anito sa kaniya.
Kinikilig na siya sa pagtawag nito sa kaniya ng ganoon. Kay sarap sa pangdinig niya sa totoo lang. ‘Pero hindi ba ay tinatawag ka rin ng ganiyan ni Ethan? Sa kaniya ba ay walang kilig?’ Tila usig ng sariling isipan sa kaniya.
‘Oo nga pala,' sagot din niya sa isip.
Ang toto ay gusto rin niya ang pagtawag sa kaniya ng ganoon ni manong. Hindi lang niya talaga pinagtutuunan ng pansin dahil mas pinangingibabawan siya ng inis dito.
Naiinis nga ba talaga siya kay Ethan? muli niyang tanong o iyon lang talaga ang pilit niyang pinaniniwalaan ng paulit-ulit.
Muli siyang napatitig sa mga mata nang lalaking nakamaskara na tinatawag niyang Zero at katulad ng dati ay tila siya nahihipnotismo ng mga titig nito sa kaniya sa tuwing ibabalik din nito ang kaparehong titig niya.
Wala pa siyang naiinom na alak pero parang nalalasing na siya sa pagkakatingin pa lang dito. Hindi na niya napigilan na iangat ang isang kamay para hipuin ang maskara nito katulad ng dati niyang ginawa dito.
Napalunok siya. Nanuyo bigla ang lalamunan niya. Parang gusto niyang tagayin bigla ang laman na alak ng bote na iyon na ayaw ipagalaw ni Zero.
Binasa niya sa pamamagitan ng dila niya ang paligid ng nanunuyo niyang labi sabay bahagyang kinagat ang sariling pang-ibabang labi.
Nang makita naman ni Zero ang ginawa na iyon ni Danna-ann sa sariling labi tila nag-slow motion iyon sa kaniyang paningin. Bigla siyang nanabik na mahagkan iyon.
Mabilis na naglakbay ang kaniyang isipan sa pagkaalala muli ng unang gabing may maganap sa kanila. At aaminin niyang nais niyang maulit iyon sa pagitan nila ng dalagang ito.
At kung mabibigyan siya ng pagkakataon na maulit iyon ipinapangako niyang paliligayahin niya ito na talagang hahanap-hanapin nito sa kaniya upang balik-balikan siya bilang si code zero.
Pero magawa kaya niya iyon rito ng walang impluwensya ng espesyal na alak na nainom nito ng aksidente noon.
“Maaari ko bang makita ang mukha mo sa likod ng maskara na iyan, Mr mask man kung maari sana,” wika ni Danna-ann rito habang patuloy ang paggapang ng mga daliri sa paligid ng suot nitong maskara.
Umangat ang gilid ng labi ni Zero at isang ediya ang pumasok sa kaniyang isipan.
“Maaari naman, ngunit sa isang kondisyon kung papayag ka.”
“A-anong kondisyon?”
Umangat ang kamay ni Zero at inilapat ang hintuturo sa labi at banayad na dinampi-dampian nito iyon, habang magkasugpong pa rin ang kanilang mga mata.
“Kailangan ko ang labi mo, ang leeg mo at higit sa lahat kailangan ko ang buong katawan mo, Danna-ann.”
“A-ano?” muli niyang tanong sa misteryosong lalaki sa likod ng maskara.
“Let’s make love tonight. Pasensiya ka na pero hindi ko na kayang pigilan pa na gawin ito sa iyo.”
Walang ano-ano ay kinuyumos niya ng halik ang labi ng dalaga. Sa suot niyang maskara ay malaya niya pa rin iyong nagawa sa dalaga sapagkat hindi naman natatakpan ang kaniyang mga labi.
Nagulat man ang dalaga sa biglang ginawa na iyon ni Zero sa kaniya na ikinalaki ng mata niya ay hindi niya maitatanging kakaiba ang hatid niyon sa kaniya. At aaminin niyang nagustuhan niya ang halik nito.
Nagpasiya siyang ipikit ang mga mata ng tuluyan at tugunin ang mga halik na ipinalalasap nito sa kaniya ngayon.
Sa klase ng halik nito tila may nagsumiksik na ala-ala sa kaniyng isipan na pilit niyang iwinawaksi.
‘Imposible!’
Bakit ba kanina pa pasok nang pasok sa isipan niya ang presensiya ng Ethan na iyon?
Para tuluyan maiwaksi sa isipan ang matandang binata na si Ethan ay mas nilaliman niya ang halik na ginagawang pagtugon ngayon sa lalaking nakamaskara.
***Rhaime22***