DAHAN-DAHAN ang ginawang paglapag sa malambot na kama ng lalaking nakamaskara sa katawan ni Danna-ann.
Agad niyang hinubaran ng saplot ang dalaga at wala na siyang itinira pa. Mabilis na rin ang bawat kilos niya. Kailangan niyang gawin ito sa dalaga dahil ito lang ang tanging paraan. Kung hindi niya gagawin ay maaaring makasama ang magiging epekto sa utak nito sanghi ng nainom na alak na iyon. Mas gugustuhin na niyang siya ang gumawa kaysa sa iba pa nito hanapin ang sulosyon.
Hindi na siya nag-abala pang tangalin ang maskarang suot. Mabilis rin niyang hinubad ang sariling saplot sa katawan. Ang kaniyang naghuhumindig na sandata ay handang-handa na sa pagsabak sa gera.
Agad siyang sumampa sa kama. Narandaman naman ni Danna-ann ang pag galaw ng kama kaya bahagya niyang idinilat ang mga mata. Inabot niya ang maskara ng lalaki upang tangalin iyon sa mukha nito. Nais niyang makita ang wangis ng lalaking aangkin sa kaniya kahit tila umiikot ang paningin niya at nanlalabo ang kaniyang mga mata.
Ngunit maagap ang lalaki sapagkat pinigilan nito ang kaniyang kamay sa gagawin sanang pagtatangka. Tiningnan ng lalaking nakamaskara ang mga mata ng dalaga ng diretso.
“Dont! Just look at my eyes little girl. Nothing more, nothing less.”
Buong puso niya iyong sinunod at sa ginawang pagtingin ni Danna-ann na iyon sa mga mata ng lalaking nakamaskara ay tila siya nahihipnotismo sa bawat titig nito. Ngunit bakit bigla-bigla naman napalitan iyon ng antok tila siya hineheleng hindi niya maintindihan. Ano bang nangyayari sa kaniya?
Naramdaman ni Danna-ann ang pagdungol ng matigas na bagay sa kaniyang p********e. Masakit iyon pero hindi na niya iyon pa nabigyan ng pansin sapagkat mas nananaig ang kaniyang kalituhan. Pumikit na lamang siya nang tuluyan at pinakiramdaman ang mga nangyayari.
Tila bigla naman nagulat ang lalaking nakamaskara. Sapagkat makipot ang kaniyang pinasok. Pabigla pa naman niyang pinasok ito para lang sa huli malaman na birhen pa ito. Hindi niya inaasaahan ang nalamang iyon. ‘Damn it’' mura niya tanging sa isip lang.
Muli niyang pinagmasdan ang dalagang ngayon ay nakapikit. “I'm sorry little girl,” anas nito.
Pagtunog ng isang bagay ang nagpamulat muli kay Danna-ann. Napilitan siyang imulat ang mga mata upang hanapin kung saan nanggagaling ang tunog na iyon.
Nagtaka pa siya ng sa kaniyang pagdilat ay ang kulay puting kisame ang kaniyang nabungaran at hindi ang lalaking nakamaskara na kanina lamang sa kaniyang pagpikit ay naka patong sa kaniya. Nananaginip lamang pala siya naisip niya.
Agad siyang napabangon dahil doon para maupo. Pero sa kaniyang ginawang biglang pagkilos ay nadama niya ang sakit sa gitnang bahagi sa pagitan ng kaniyang hita. Masakit ang kaniyang p********e. Kaya agad niyang tiningnan ang sariling katawan at wala siyang suot na anumang saplot. Mabilis niyang dinampot ang puting kumot na nakatakip sa kaniyang pang-ibabang bahagi para ibalot sa buong katawan.
Kung ganoon ay hindi iyon panaginip at totoong nangyari nabiyak siya ng naka maskarang iyon. Kahit naman party goer sila ni Shenna at halos laman palagi ng mga disco bar gabi-gabi ay hindi naman siya ganoon kaparirara sa katawan. Napasabunot siya sa sariling buhok at pilit inisip kung paano siya napunta rito at pilit inalala ang lahat habang iginagala ang paningin kung saan siya nandoroon.
Muling natawag ang kaniyang atensiyon sa tunog na iyon na walang tigil. Kaya pilit niyang hinanap kung saan nanggagaling. Nakita niya ang kaniyang maliit na handbag kung saan nakalagay ang ilang personal things niya tulad ng wallet, make-up kit at cellphone. Malapit lang iyon sa kaniyang tabi at doon nanggagaling ang tunog sa cellphon niyang dala. Mabilis niyang kinuha ang cellphone. Nang makita kung sino ang tumatawag, agad niya iyon sinagot.
“Shenna!”
“Finally! Sinagot mo na rin ang tawag ko. Nasaan ka na bang babae ka? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko simula pa kagabi.”
“Kagabi mo pa ako tinatawagan? Bakit anong oras na ba?”
“Its eight o'clock in the morning na.”
‘Umaga na pala. Parang kapipikit ko lang ah,’ aniyang muli sa isipan.
“Sissy, tinatanong kita?” untag muli ni Shenna.
Gustuhin man niyang sabihin kung nasaan siya ay hindi niya nga pala alam.
“Hindi ko alam kung nasaan ako basta nagising na lang ako sa tawag mo,” aniya.
“What do you mean by that?”
“A long story. Tsaka ko na ikuwento sa iyo kapag nagkita tayo ulit. Bakit pala?” tanong niya.
“Tumawag si Tito Ricardo sa akin ngayon at hindi mo nga raw sinasagot ang phone mo. Sinabi ko na lang na natutulog ka pa kasi.”
“Sige salamat. Ako na ang tatawag kay Daddy ngayon,” aniya sa kaniyang kaibigan.
Matapos niyang pindutin ang end botton ng tawag kay Shenna ay hinagilap niya agad ang kaniyang saplot. Masakit man ang kaniyang kaselanan ay no choice siya at kailangan niyang kumilos. Nakita naman niya iyon lahat sa lapag. Iginala niya ang kaniyang paningin upang tingnan kung nasaan ang banyo, At nang makita ang isang saradong pinto agad siyang nagpunta roon nang paika-ika bitbit ang kaniyang mga saplot. Tama ang kaniyang hinala iyon nga ang banyo. Maglilinis lang siya ng katawan at tila nanlalagkit siya.
Hindi na siya tatawag sa Daddy niya dahil naisip niyang puntahan na lang na ito sa opisina nila mismo. Kapag ganoon kasing hinahanap siya ng ama ay importante talaga ang sasabihin nito sa kaniya.
“GOOD MORNING Ma’am Danna-ann!” bati sa kaniya ng mga empleyadong nakakasalubong niya pagpasok pa lamang niya sa entrance ng gusaling iyon ng Westrade Incorporation. Matipid na ngiti at bahagyang tango naman ang isinusukli niya sa mga ito.
Kilala siya ng halos lahat ng empleyado ng Westrade Incorporation sapagkat sila ang may ari ng kompanyang iyon na ang kaniyang Daddy ang CEO. Ang kompanya nila ang nagsusuplay ng mga kable na ginagamit sa pagkakabit ng mga cable connection, mga tren at magin ng mga kable na ginagamit sa mga poste ng meralco saan man parte ng Pilipinas. Inaangkat pa ng kompanya nila iyon mula sa ibat-ibang bansa tulad ng Australlia at Amerika. Kilala ang westrade Incorporation sa ganda ng kalidad ng mga wire materials nila sapagkat mga de kalidad na wire product ang mga iyon.
Nag-iisa siyang anak at alam niyang siya ang magmamana ng posisyon ng ama once na bumaba na ito sa puwesto. Matagal ng inuungot sa kaniya ng ama ang posisyon nito sa kaniya ngunit siya itong tumatanggi. She's not ready for the big responsibility sinasabi niya palagi lalo at nakahiligan niyang gumimik. Mapapabayaan lang niya iyon. At wala sa isip niya pa ang pagha-handle ng kanilang negosyo ng personal sa ngayon.
Muli na naman niyang naalala ang nangyari sa kaniya. She lost her virginity nang ganoon-ganoon lang. Kanina nalaman niyang wala siya sa isang hotel kung hindi nasa isang private room na bahagi ng The mask bar na iyon. Isang lugar na wierd na nga sa gabi mas lalo pang naging weird sa umaga.
Napag-alaman niya sa isang staff na nakasalubong niya noong palabas na siya kanina na Restaurant daw iyon at hindi bar. Nagtaka kasi siya sa nakitang pagbabago ng paligid bigla. Malayong-malayo sa itsura ng pinuntahan nila kagabi ni Shenna.
“Bar sa gabi, tapos restaurant sa umaga. Niloloko niyo ba ako?” naalala niya pang sinabi niya sa staff.
Nag-iwan sa kaniya nang malaking katanungan at kalituhan ang sinabi ng staff na iyon. Sapagkat hindi raw iyon isang bar kung hindi restaurant daw talaga. Kaya saan daw nanggaling ang The mask bar na sinasabi niya.
Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi sa isipan pansamantala ang mga nangyari. Tsaka na niya pagtuunan ng pansin iyon.
Pagkarating sa loob ng opisina ng Daddy niya ay ang sekretarya nito na si Julie ang nakita niya muna. Hindi ito nalalayo sa edad ng ama.
Ang sekretarya naman nito ay matandang dalaga tsaka mabait din naman. Sa pustura nito iisipin mong wala pa itong fifty five. Young looking kasi tila nga nasa mid forties lang. Sa Westrade na nga nito inilaan ang halos kalahati ng edad nito. Ang Daddy naman niya ay turning sixty year old na.
Matagal na ring empleyado ng Westrade si Julie at hindi man sabihin ng daddy niya alam niyang may espesyal na pagtingin na ang ama sa sekretarya nito. Isa pa, malaki ang naging ambag ni Julie sa daddy niya noong panahon na nasa pagluluksa pa ito sa pagkawala ng Mommy niya.
Hindi siya tutol sa kaligayahan ng ama lalo at matagal na namang biyudo ang kaniyang Daddy. Five years ng patay ang Mommy niya. Matanda na rin pati ito at dapat lang na ma-enjoy ang mga nalalabing buhay pa sa mundo.
Nasawi ang Mommy niya dahil sa isang aksidente. Nabangga ang minamaneho nitong sasakyan. Sumalpok sa isang kasalubong na kotse. Dead on the spot ang Mommy niya ng dalhin na sa hospital habang ang driver na nakabanggaan nito ay nakuha rin masawi dahil sa tindi rin ng inabot nito sa aksidente.
Isa rin ang nangyari na iyon sa kaniyang mommy ang nagbigay sa kaniya ng takot na humawak ng manibela kaya nga hindi niya gustong matutong magmaneho kahit may sarili naman siyang kotse.
Kapag available ang kaniyang daddy at may lakad siya ay ipinagmamaneho siya nito, pero mas madalas ang hindi. Kaya nga suki siya ng grab car or kaya taxi. Ayaw naman niya ng idea na may driver at alam ng daddy niya iyan.
“Magandang umaga, Ms. Julie.’ Bati niya rito. “Ang Daddy?”
“Magandang umaga rin naman sa iyo Ma’am Danna. Nasa loob,” saad naman nito.
“Any idea kung bakit ako tinatawagan ni Daddy?” tanong niya.
“I don't have any idea, actually. Pero isa lang ang tiyak ko na importante ang sasabihin niya sa iyo. Kaya lang may bisita pa siya sa loob.”
“Sino?” tanong niya.
Nagkibit-balikat lang si Julie sa kaniya tanda na hindi nito kilala ang kasama ng daddy niya. Kaya nagpaalam na rin siyang papasok na sa opisina ng dad niya.
Nadatnan nga niya ang ama na may kausap na lalaki at nakatalikod ito sa kaniya. Ang magandang bulto ng malapad nitong balikat ang agad niyang napansin at kulay brown nitong buhok na hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang ilang mga puting buhok. Habang ang Daddy naman niya ay agad tumayo sa kinauupuan nito para lapitan siya nang makita ang kaniyang pagpasok.
“Danna-ann, anak. Mabuti at dumating ka na,” wika ng daddy niya sa kaniya.
Agad siyang humalik sa pisngi ng ama at yumakap pa rito nang tuluyan makalapit ito sa kaniya.
“Sorry, Daddy kung hindi ko nasagot ang mga tawag mo agad. Masiyado lang akong napuyat kagabi sa pinuntahan namin ni Shenna,” saad niya sa ama. “Hindi na ako nag-call back sa iyo kasi nga pupuntahan na lang kita rito sa office and here I am. Pero mukhang wrong timing ako kasi may bisita ka pala.”
“Its okay. Halika ipapakilala kita sa kaniya.”
“Ethan!” tawag ng ama sa bisita nito.
Tumayo naman ito buhat sa kinauupuan at humarap sa kanila.
Hinanda ni Danna-ann ang ngiti para dito na palagi niyang ginagawa sa mga ipinapakilala ng Daddy niya sa kaniya. Parang gusto niyang bawiin bigla ang nakapaskil na ngiti niya nang humarap ito sa kanila. Paano ba naman kung ano ang tamis ng ngiti niya ay siya namang pagkaseryoso nito. Hindi rin nakaligtas sa kaniya na bistahan ang suot nito.
Sky blue na polo long sleeve na nakatupi hanggang siko nito with black pants at leather shoes. Parang gusto niyang itaas bigla ang isang kilay sa pormahan nito pinigilan lang niya. Muli niyang ibinalik sa mukha ng lalaki ang paningin.
Hindi naitago ng suot nitong eye shades ang seryosong wangis nito ngayon. Alam niyang may grado ang salamin nito base na rin sa nakikita niyang kapal ng lente niyon. Hindi agad ito kumibo nang ipakilala siya ng ama rito. Bagkus ay tila pinag-aralan nito ang bawat parte ng mukha niya sa klase ng pagkakatingin nito sa kaniya.
Dahil doon ay bigla siyang nailang sa itsura niya. Higit lalo sa mukha niya pero hindi siya nag pahalata. Nakuhang mangawit ng labi niya sa pagkakangiti kaya dahan-dahan niyang inalis iyon at bilang simpleng ganti sa ginagawa nito sa kaniyang pagtingin ay nilabanan niya ang tingin nito.
Sa tingin niya ay palak ang tanda nito sa kaniya. Pero infairness ha ang gwapo. Mamula-mula rin ang balat nito dahil maputi. ang mga mata nitong mapungay na bilugan. Medyo nakaka-distract nga lang talaga iyong salamin na suot nito. Mas angat siguro ang taglay na kagwapuhan nito kung naka contact lens na lang ito.
“Danna, anak siya si Ethan Fernandez.” Pakilala na ni Ricardo sa anak sa bisita nito. “He’s one of our stockholder and a business partner here. May mga ilang negosiyo rin siya rito at sa labas ng bansa.” wika ng ama na nakapagpabaling ng paningin nito sa kaniyang Daddy.
“Hindi na ako magtatagal Ricardo tutal nasabi ko naman na ang dapat kong sabihin na dapat mo talagang malaman,” wika nito sa kaniyang Daddy. Pagkatapos nito iyon sabihin ay siya naman ang binalingan.
“Nice to meet you, little girl,” wika nito sa kaniya.