Klanx's point of view Bakit ganito iyong puso ko ngayon kumakabog ng sobrang lakas at nararamdaman ko ang kaba ko, napatingin ako kay Syd na pinapalitan ang diaper ni baby Cardia at pansin ko hindi siya pala kwento dati kinikwento niya lahat ng malalaman niya at tungkol sa kanya. Nararamdaman kong may problema siya, nahalata ko na 'yong sa pag paalam niya sa akin bukas na aalis siya ng maaga as if kung may mall na nag bubukas ng mga bandang 6am o 7am. Akala niya siguro maniniwala ako. Tumayo ako at nilapitan ko si baby Cardia at binuhat ko siya habang tinapon ni Syd ang diaper ni baby tinignan ko siya sa mga mata niya. "Kung nakakapagsalita ka lang na baby Cardia eh, matatanong kita kung anong ginagawa ni mommy." mahina kong sabi at niyakap ko siya. Bumalik na dito si Syd at may dalang

