Klanx's point of view Sobrang ganda ang naging mga desensyo sa kasal namin na 'to napagpasyahan namin ni Syd na gaganapin ang kasal namin sa isang grandeng mansion. Lahat ng 'yon ay tulong ni Papa sa akin. Pinadala niya sa akin ang perang natitira sa account niya at sobrang nag papasalamat ako sa kanya na balang araw mababayaran ko din 'yon pero ang sabi niya huwag na dahil bilang nalang ang araw niya sa mundo na 'to. Nandito ako sa harap ng hagdanan kung saan aabangan ko si Syd sa pag punta niya dito at aakyat kami sa itaas dahil nandoon lahat ng mga bisita na naimbita namin. Ang bilis ng araw parang kahapon lang na masaya kami at ngayon sobrang saya dahil ikakasal na talaga kami para may bisa na ang marriage namin. "Kinakabahan ka ba anak?" tanong sa akin ni Papa. Nasa gilid ko si pap

