Gernale - Vergara Clan
**David
The Gernale Clan
Ang Papa kong si Andres ay anak nina David at Andrea Gernale. Mga Haciendero sila sa isang bayan sa South of the Metro. Yun ang Farm na pinupuntahan namin ng mga bata pa kami, minana na ito ni Papa. Solong anak lang kasi si Papa. May parte ng Hacienda na Kooperatiba na ng mga magsasaka ang nagpapatakbo… kasama pa rin si Papa sa organisasyon. Yung limang ektarya palibot sa ancestral home na lang nila Papa ang talagang nasa pangalan niya. Yun ang pina farm namin ngayon… retirement home daw niya yun later.
The Farm is being developed to be an all organic type. Papa and Mama are not getting any younger and wanted to live healthier than it is now. Gusto rin nila makatulong sa mga kagaya nilang pa senior na, who wanted to eat healthier. At tumataas na din ang demand for organic products… pa gulay man or meat products pati na bigas. Kaya naman natuwa pa ang mga farmers sa plano ni Papa.
The Organic Farm is doing well now, hindi katulad noong nagsimula kami na puro trial and error. May organic vegetables kami, pati brown rice… ang mga alagang baboy, baka at manok all organic ang pag papalaki. Nagtayo na rin ng mga meat processing sa farm. Nabebenta naman namin ito sa mga kaibigan lang din nila Mama at Papa. Pero dumarami na rin ang inquiry from other people na hindi kaibigan. Buti na lang tumataas na ang produce ng Farm, nakapagbenta na rin kami sa iba.
- The organic farm is really just to help others who wanted to live healthier, hindi talaga siya para kumita. Parang tulong nalang ba sa mga naghahanap ng mga fully organic products, lalo na ang mga seniors at mga pa senior ba. Sabi nga ni Papa may lupa naman na magagamit kung makakatulong mas maganda.
The other part of the original Hacienda is still being cultivated for commercial use. Iba iba kasi talaga ang tanim doon cacao for cocoa beans, coffee, pineapple and mangoes… tapos ngayon tina try nila ang dragon fruit. Almost ten hectares pa rin kasi yun at ang share nila Papa doon ang bumuhay na talaga sa kanila noon pa man. They are basically farmers by heart.
Nag invest na rin sila Papa sa mga new machineries kaya patuloy na lumaki ang ani ng Farm. Nagkaroon na rin sila ng mga processing facilities para sa sobrang ani. Yung sa coffee sila na rin ang nag proprocess para hindi lang coffee beans ang nabebenta pati na rin ang ground coffee. Pati ang cacao, gumagawa silang tablea at ngayon may bago silang machine to make chocolate bars.
- Para talaga sa mga farmers ang kinikita ng commercial farm, kaya din Papa is still helping modernize it for more productivity. Meron din silang mga scholars na nakikinabang dito… marami rami na rin mga napa graduate ng farm. At para na rin makatulong sa food sufficiency ng bayan kung nasaan ang farm.
Farmer talaga si Papa, hindi ko nga alam bakit napunta si Papa sa pagiging engineer.
Sabi niya lang dati alam niya daw that the future is in Engineering…
“I took up Engineering kasi nga alam ko doon papunta ang future… computerization and automation. Alam kung magiging halos wala ng limit ang magagawa ng tao dahil sa computer at internet.” yan ang sagot niya sa tanong ko dati
I know I’ll be taking up Engineering. I’m not artsy to take up Architecture as much as I’m fascinated with them.
“David, anong Engineering ba ang gusto mo?” tanong ni Papa nasa high school palang ako
“BS Electronics Engineering po, that’s the one that tackles computers and automations” dating BS Electronics and Communications Engineering talaga tawag sa course na gusto ko.
“Why not Computer Engineering if you want to do computers?” balik niya sa akin
“Com Engg is limited to computers only… mas broad ang ECE, kaya mas gusto ko po yun”
“Ok, make sure it's what you wanted… mahirap mag papalit palit ng course” paalala niya
“Yeah, Papa… I won’t let you down”
- Haay! pag naaalala ko ang mga pag uusap namin… hindi ko mapigilan ma disappoint sa sarili ko. But then ayoko naman mamatay noh, mas OK na ang umiwas na muna.
- And this Farm sa akin rin mapupunta pagdating ng tamang panahon… sabi ni Papa.
~~~~~~~~~~
The Vergara Clan
Si Mama naman ay si Diana na anak ng may ari ng katabing Hacienda nila Papa. Sina Daniel at Aurora Vergara. Magkakilala sila mula pagkabata… childhood sweethearts sila. Solong anak lang din siya. Kung ang Hacienda nila Papa naging kooperatiba yung kina Mommy ay na develop into a Subdivision, mas malapit kasi ito sa highway. Yun ang naging negosyo ng pamilya nila Mama. May parte din ng lupa na natira sa pangalan ni Mama ung boundary ng property nila Papa, balak talaga kasi nila dati pagsamahin ang dalawa… mga limang ektarya din.
Middle class type subdivision pang masa… para sa mga working class, mga titser, sundalo or mga karaniwang empleyado ba, kaya sold out ito agad. Bumili pa noon sila Lolo ng iba pang properties para gawin ding Subdivision, sa ngayon tatlo na ang hawak ng Vergara Properties at lahat yun naging maganda ang output.
Yung part na naiwan sa pangalan ni Mama is now a Flower Farm and Resort. Mga bulaklak ang tanim nila may mga suki na silang pinagdadalhan. Yung mga nagbebenta ng bulaklak sa mga mall, meron ding mga Boutique Hotels at mga Beach Resorts dito lang din sa kalapit. May mga rare type of flowers din silang inaalagaan sa Farm. Meron silang mga greenhouses para dito. May mga ornamental plants din silang kino cultivate para sa mga mahihilig sa paghahalaman. Kaya malaki rin ang kinikita nito.
- Kagaya ng Farm nila Papa para din sa mga farmers ang kinikita nito… ang Resort nalang ang nakikihati sila Mama sa kinikita. Para sa emergency at future renovation funds nito…
Ang portion ng Flower Farm na Resort ay open to the public, may dalawang malaking swimming pool, may mga open cottages at meron ring casitas for overnight stay. Pang masa pa rin ang type ng Resort pero hindi low class ang mga amenities dito, mga pang mayaman din. May Private Cottages din na may swimming pool, tatlo lang naman yun. Ginagawa talaga nila Lolo ang Resort malapit sa mga Subdivision nila… wala nga kasing mga amenities ito kasi nga middle class type lang. Pag lot owner ka sa Subdivision discounted ang entry mo sa Resort pati na ang stay mo.
- Dito rin ginaganap ang mga functions ng Subdivision… at kung may gusto gumamit na taga subdivision for other functions usually discounted sila.
Mama choose not to take over the company when she graduated, nagtayo nga siya ng sariling kompanya. Pinaubaya niya yun sa mga empleyado nila Lolo na matagal na nilang kasama at pinagkakatiwalaan. Inalagaan naman nila ito kaya walang naging problema si Mama.
Vergara Properties will be passed on to me in time… laging pinapaalala yun ni Lolo sa akin
“David, you better learn the ways how to handle Vergara Properties… ikaw lang ang lalaki sa mga apo ko. Sayo pa rin mapupunta ang pamamalakad niyan later” paalala ni Lolo (Tatay ni Mama)
“Pero Lo, I want to be an Engineer” sagot ko lagi sa kanya
“Kahit ano pa man profession mo, kailangan mo matutunan ang pamamalakad sa kompanya. Para pag naisalin na sa pangalan mo… hindi ka niloloko ng mga tauhan natin.” sagot niya lang sa akin
“Don’t worry I can teach you the basics at alam ko naman matalino ko mabilis mo ma pipick up lahat ng ituturo ko sayo.” habol niya pa
- College pa lang din ako… may mga itinuturo na si Lolo sa akin. Buti na lang henyo ako sa dami ng gusto nilang pagawa sa akin. Ang Vergara Properties din ang nag push sa akin para mag MBA kasabay ng Masteral ko sa Engineering.
Parehong mula sa mga lupain ang yaman nila Papa at Mama. Pero pareho din silang nagtayo na kanya kanyang negosyo bago pa sila magpakasal. Pareho nilang ginamit ang mga napag aralan nung college at swerte namang nag succeed sila. Pareho silang may kanya kanyang perang pinaghirapan nila at hindi galing sa mga magulang nila.
Yun kasi talaga ang goal nila pareho dati. And they are really partners in life… hindi sila nagmadali sa pagpapakasal at pag aanak, twenty six na si Mama when she had Ate. After four years ako naman, si bunso isang taon lang na mas bata sa akin.
We are very close… kaming magkakapatid. Ang mga kaibigan nila halos kilala ko lahat at ganun din sila sa akin. Kaya din ang paggalang ko sa mga kababaihan mula pagkabata.
I love them both dearly. I was always their savior sa playground nung mga bata pa kami.
- Kaya iyong pagkababaero ko alamat lang yun. Ni minsan hindi ako namimilit ng babae… sa mga game din lang ako pumapatol. And I always make sure I’m safe. Hindi rin ako nagpapaasa lagi kong sinasabi na hindi ako into commitment, no strings attached.
We are an ideal family laging sinasabi yun ng mga ka kilala namin. At naniniwala ako doon, that’s because compatible talaga sila Mama at Papa and they have God in the center of their relationship. Kaya kami lahat sa Catholic School nag aral at pinalaki talaga kaming may takot kay God.
- Kaya nga Good Boy ako… yun naman talaga ang totoo. Masyado lang na impluwensiyahan ng kamunduhan at barkada. At sobrang na realize ko yun sa mga panahon na ipinatapon ako sa site para mag trabaho.
Nung nag college kami, saka kami nag kanya kanya ng mundo. Sa ibang bansa din kasi sila pareho nag college. Buti nalang din kasi sa dami ng kalokohan ko noon sigurado bugbog ako sa dalawa kung nandito sila. Sigurado hindi nila itotolerate ang mga naging kalokohan ko, lalo na ang pambababae ko.
- Hindi rin siguro ako magkakapagloko kung nandito nga sila…
~~~~~~~~~
Ang negosyo ni Mama ang bunso namin ang mag mamana siya kasi ang may hilig sa Advertising and anything artsy. At yun na din ang course na kinuha niya and she’s really into that.
Si Ate ay doctor… malayo sa isip niya ang pagnenegosyo. Sabi niya pa dati pakainin nalang daw namin siya. She specialized as a Neurologist but she’s a Surgeon too.
“David Baby Boy… pag CEO ka na, ikaw na bahala magpakain sa akin ha.” lagi niyang biro yun sa akin
“Mas yayaman ka pa nga dyan sa akin”
“Baby Boy… magkakawang gawa nga ako, kaya wala akong sasahurin. Ano ka ba”
“Grabe ka, mahal mag doctor… pabayad ka naman”
“Hoy! Bata ka… being a doctor is not just a job it’s an advocacy. Kaya nga hindi ako nag expect ng pera dito. Basta pakainin ninyo ako ni Bunso pag dating ng panahon” mahaba niyang sermon sa akin…
“Kinonsensiya mo pa ako” balik ko sa kanya…
Yan ang pag uusap namin dati noong nagsisimula pa lang ako sa college.
Akala mo naman hindi mayaman ang boyfriend na doktor din… may ari pa ng mga Ospital ang pamilya.
She hated me nung malaman niyang huminto ako sa pag aaral. Halos isumpa at itakwil niya ako, ilang buwan din niya ako hindi kinakausap. Nahimasmasan naman ng magpaliwanag ako at malaman niya ang dahilan. Awang awa din siya sa akin ng ipatapon ako ni Papa sa site, pati na rin si bunso.
- Sila ngayon ang tagapagtanggol ko kay Papa, they have been convincing him to bring me back in the Metro. Kahit daw sa office nalang ako mag trabaho. Pero dahil nga napuno na si Papa sa akin walang pagkukumbinsi ang pinakinggan niya.
~~~~~~~~~
Sa ngayon nga isa akong Apprentice kay Papa.
Yeah, Apprentice that's what I always consider myself… dahil alam ko babalik at babalik ako sa pag aaral at tatapusin ko ang course ko. Sa ngayon I’m learning the craft of running the business from the grounds and this is such a good experience.
- A terrific experience… a ferocious teacher but such a superb learning adventure.
Tama si Engr. Nilo ako rin magpapatakbo nitong Gernale Electrical Services sa mga susunod na panahon. Pero mas malaki ang vision ko kay Papa… I want to grow the business bigger. I want all Engineering Services, including Building Automation and Securities.
Times are changing hindi nalang simple ang Engineering ngayon lumawak na ito dahil sa computerization at automation… samahan pa ng artificial intelligence and that’s what I want for the company. Building Management now is not simple… everything has to be programmed. All Engineering works have to be fully coordinated in that programming. At isa yun sa pag aaralan ko ng husto, isa yun sa mga vision ko sa kompanya.
Gusto kong may maka tie up na Architectural Firm, para pati Designs ng Engineering handle na ng company namin. Design and Construction of Engineering Works pati na Management. At alam kong yun naman ang talagang vision ni Papa noon pa.
On the side fascinated din ako sa Security, cyber security… I love computer programming, I love playing with ideas that could help others with computers. I know computers of the future would be a great help to humanity in many ways we could imagine.
- Tama din si Papa na magiging limitless na ang mga magagawa ng tao dahil sa technology and computers, yun talaga ang future.
- That’s a vision I want to achieve and I will achieve it no matter what.
- I have plans to finish college and finish a masteral outside the country. Henyo nga kasi ako I wanted to learn more para na rin sa kompanya. For the future and for my vision.
Gusto ko lang talaga tapusin ang Project na ginagawa namin ngayon… after this I’ll be back to school that’s for sure.
May balita na akong naka graduate na mga bully ko sa school and I can’t wait to go back. Nakakamiss din ang school lalo na at masaya naman talaga ako doon. Sana sa pagbalik ko ay makatapos ako ng matiwasay. Pangako ko sa sarili ko, papakabait ako… dapat may Latin Honors ako pag graduate ko makabawi man lang sa pag papasaway ko.
At dapat nasa Top din ako sa Board Exams…
~~~~~~~~~~
- After that failed relationship in College… wala na ako naging serious girlfriend, pinakamatagal ng babae sa akin ang tatlong buwan. Hindi ko alam kung bakit takot ako sa commitment siguro hindi pa talaga ako handa at hindi ko pa nakikilala ang babaeng magpapatino sa puso kung malikot.
- Meron din akong hinahanap na babae… she’s a crush when I was still in high school, ewan ko ba kung bakit pag sumasagi sa isip ko ang pag aasawa siya ang naaalala ko. Maybe because attracted ako sa mala Diwata niyang ganda na hindi man lang niya alam. She is a simple girl with the most beautiful smile, she’s very smart too. Nakikita ko sa kanya si Mama, na standard ko sa ideal wife to be para sa akin. Hindi ko alam kung saan ko siya mahahanap pero naniniwala ako sa “Serendipity”... I know life will find a way
- Panay na rin ang kulit ni Mama sa akin, kung bakit wala pa silang nakikilalang girlfriend ko, tumatanda na daw sila, at nalilipasan na daw ako ng panahon. Bata pa naman ako sa tingin ko hindi naman ako nagmamadali, I know there’s somebody out there just for me. And waiting for that… God’s perfect time.
***Little did I know… palapit na ang gugulo sa buhay.
Loving somebody dearly would cause so much happiness and pain… pain that turns to anger. That anger motivates me but would also destroy me… it was too much to bear that time.
***Little did I know the one I’ve been looking for was just in front of my eyes…