Paliwanagan **Sebastian “I will tell you, but please don’t do something stupid after. Kaya nga ginawa na ni Alex ang pagbawi sa kumpanya ng mga Cua para wala ka ng gagawin pa. Ayaw niya kasing manggaling sa pamilya niyo ang gagawa ng paraan sa pagputol sa mga pakpak ng mga Cua.” pakiusap ko kay Gernale “Matagal ng na momonitor nila Axel ang paggalaw ng mga Cua to hire some goons, kung ano ang dahilan hindi pa namin alam noon. Sinabihan niya si Alex… she opted not to tell you dahil baka nga false alarm. Kinausap niya si Axel para bigyan kayo ng shadow guards… alam niya kasi ngang hindi talaga kayo sanay na may mga bodyguard. She wanted to make sure you are all safe.” simula kung kuwento… “Matagal ding wala kaming balita sa mga galaw nila… tapos nang papalapit ang holidays namonitor na

