SA marahang kilos ay lumapit ako sa display cabinet. Gusto kong hawakan ang diary ko. Gusto kong maramdamang totoo ang nakikita ko, na naroon at hindi nasunog ang mga pahinang katibayan ng malungkot at masayang kabataan ko. Ang mga pahinang inakala kong tinupok na ng apoy... Hindi ako makapaniwala pero totoo ang nakikita ko. Totoong naroon ang diary ko. Ibig sabihin, naroon sa mga pahina na naglalaman ng mga eksenang buhay na buhay sa isip ko. Mga eksenang binabalikan ko pa pa rin kahit napakalayo na ng pinagdalhan sa akin ng pagbabago. Oo, nagbago ang lahat sa akin pero hindi ang totoong nasa puso ko. Paulit-ulit ko man na mapaniwala ang mga tao sa paligid ko, paulit-ulit mang maitago ng pisikal kong anyo ang nakaraan ko, ay paulit-ulit rin na mangingibabaw ang totoong nasa puso ko—dah

