(The most expensive blessing) TOK! TOK! TOK! Binuksan niya ang pinto nang mabungaran si Karen na butil-butil ang pawis sa noo. “Ate, ano ang nangyari sa iyo? Para kang nakakita ng multo?” Pumasok na ito sa loob ng silid niya. “Bakit ka nga pala nandito?” “Nag-alala ako nang magpadala ng blanking mensahe kaya napauwi ako agad dito. Hindi ko alam ang iisipin ko kaya nag-request na lang ako ng leave sa trabaho. Ano ba iyong mensahe mo?” “Wala lang iyon, Ate.” “Hindi ako naniniwala na wala lang iyon, Fortney.” “Ka-kanina kasi nahilo ako saka nagsuka. Parang may nakain yata ako na hindi gusto ng tiyan ko.” “Kailangan mo ba ito?” tanong nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang maliit na supot. “Paano mo na-nalaman?” “Ibinigay sa akin ni Alejandro.” “H-ha?” “Hindi ko alam kung

