(Choosing what is best) KUNG ILANG BESES NA nagbuga ng hangin si Fortney bago lumabas ng banyo. Natakot siyang makita ng nobyo na umiiyak kaya pansamantala muna siyang nagtago roon. Nang marinig niya na tinatawag siy ni Garette at alumpihit siyang lumabas ngunit bakas sa tinig nito ang pagkabalisa kaya minabuti na rin niyang magpakita at ngumiti na tila walang nangyari. Mahigpit ang hawak niya sa braso ni Garette. Nilingon lamang siya nito nang maramdaman iyon. Batid niyang may kakaiba sa ikinikilos ng nobyo at dumagdag pa iyon sa tensiyong nararamdaman niya. Maingat na inalalayan siya nito habang naglalakad sila pababa ng hagdan. Dinig na dinig rin niya ang isang malamyos na musika na pumapailanlang sa ibabang bahagi ng bahay. “May pabor sana akong hihilingin sa iyo bago tayo tuluya

