Dahil nakapagpahinga ako noong gabing iyon, nakasalo kami ni Ivan sa almusal kasama ang buong pamilya ko. Sama-sama kami sa isang napakahabang mesa dahil kasalo syempre ang grandparents ko, ang mga uncles at aunts ko, ang mga kapatid at pinsan ko, ang asawa at mga anak ng Kuya ko, at ang mga asawa at anak ng mga pinsan kong married na. Bumaha na naman ng pagkain especially American breakfast for the kids. Napakarami ring mga prutas but what I liked most was the ripe mangoes. Sabi ni Papa, binili pa raw nila iyon mula sa Pilipinas at sadyang dinala nila rito at inihanda sa family breakfast namin para matikman ng lahat. Nakapasayang kasalo ang mga pinsan ko. Hindi nauubos ang kuwentuhan, kantiyawan, at tawanan. Marami silang kuwento noong mga bata pa kami at noong naging teenager na kami.

