Dalawang araw na naman ang lumipas bago nakauwi si Ivan and he looked haggard. Hindi na nakapagtataka iyon dahil bukod sa 24/7 niyang pagbabantay sa anak niya, nagtratrabaho rin siya sa ospital. I actually don't know kung anong oras na siyang nakauwi dahil nagising na lang ako nasa tabi ko na siya. Kaya naman maingat akong bumangon at bumaba sa kama. Pagkatapos kong maglinis ng katawan at makapagbihis, bumaba na ako para mag-check kung ano ang maaari kong maitulong sa paghahanda ng pagkain niya. Naabutan kong abala na ang kusina. Maging sila ay masayang ipinaghahanda ang amo nila ng mga paborito nitong pagkain upang kahit papano ay makabawi ito mula sa ilang araw nitong pagbabantay sa ospital. Inabala ko ang sarili ko sa paggawa ng fruit salad para sa kanya. I know that it's one of hi

