Naalimpungatan ako dahil sa paghaplos ng kamay sa kanang pisngi ko. Nang magmulat ako ng mga mata, nagkasalubong ang mga tingin namin ni Ivan. "Wake up, sleepyhead. It's already 8:30 in the evening," masuyo niyang saad habang nasa pisngi ko pa rin ang kamay niya. Tumango at saka sinubukang bumangon. Kaagad na humawak sa magkabilang mga braso ko ang mga kamay niya upang alalayan akong makaupo. "Why didn't you wake me up earlier? Kumain ka na ba?" tanong ko. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa gilid ko kanina. He gave me enough space to leave the bed. "I was waiting for you. Now that we're living together, I can't afford to lose the chance of having my meals with you," sagot niya sa mga katanungan ko. Naglakad ako patungo sa banyo at ramdam kong nakasunod pa rin siya sa akin. "I'l

