Time passes by so quickly. Ngayon ay halos magdadalawang buwan na akong nakalabas ng ospital. Magaling na magaling na rin ang sugat ko. Ang sugat na binuksan nila sa ulo ko nang operahan nila ito ay tinubuan na rin ng buhok. Nagsimula na rin kaming ayusin ang detalye ng kasal namin ni Ivan dito sa Russia. Nakipag-meeting ba kami sa mga wedding coordinators namin dahil napagdesisyunan na naming next month na iyon gaganapin. Nakapagsukat na kami ng mga damit na isusuot namin, nakapili na ng venue. Garden wedding iyon sa pinakamalaking hotel na pag-aari ni Ivan. Noon ko nga lang nalaman na may chain of hotels pala siya rito sa Russia. Nailista na namin ang mga may parte sa wedding entourage na karamihan ay galing sa pamilya ko. Ang ikinalula ko lang ay ang halos 200 na katao na padadalhan n

