"I can't come with you."
Napalingon ako kay Ivan. Nasa likuran ito habang katabi ko ang kapatid at pinsan ko. Papaalis na kami sa restaurant kung saan kami nagkaroon ng family dinner kasama ang pamilyang Vladimier na kasalukuyang nasa Pilipinas. Nagkayayaan kami slni Ate Jessica na mag-bar sa siyudad kung saan kami naroroon ngayon.
Hindi nagpapahalatang nakahinga ako nang maluwag sa sinabing iyon ni Ivan. Mas makabubuti ang desisyon nitong hindi sumama para sa plano ko.
"I have an important meeting to attend," waring pagpapaliwanag pa nito sa kanya.
"It's okay. I'll be with my sister anyway." Tipid akong ngumiti rito upang hindi nito mahalata ang kaba na pumupuno ngayon sa puso ko.
"I'll send two of my men with you." Tumango ako dito.
"Jessica, ingatan mo ang pinsan mo," bilin ni Papa kay Ate nang pasakay na sila sa sasakyan na maghahatid sa kanila sa family house ng mga Vladimier.
"Of course, Tito," sagot naman ni Ate bago humalik kina Dad, Papa, Lola, at sa mga Lolo namin. Ginawa ko rin ang ginawa niya at humalik pa kay Ate Mikaella.
"Wag umuwi nang umaga na," bilin din ni Dad.
"Opo," magkasabay naming sagot ni Ate.
"I'll drop them off at the bar and will come to get them," saad naman ni Ivan.
"That's good," sagot ni Papa sa kanya.
Nang makaalis na ang pamilya ay nagtungo na kami sa nakaparadang kotse ni Ivan. Kahahatid lang nito kanina sa bahay pati na rin ang kotse ko. Sabi ni Ivan, pumili na siya ng sasakyan, binayaran ang mga ito, at saka ipinahatid na sa bahay. Sinabi niyang ayaw niyang ma-stress pa ako sa biyahe. Mukhang alam niyang Hindi pa ako makalakad nang diretso kaninang umaga. Mabuti na lang at kaninang hapon ay okay na ako dahil kung hindi, tiyak na makakatikim ako ng kantiyaw mula sa mga kapatid at pinsan ko at simangot mula sa mga magulang namin.
"So what's the name of the bar?" tanong ni Ivan kay Ate Jessica.
"It's Peepz. it's just three blocks away from here," sagot ni Ate. Magkakatabi kami sa ikalawang hanay ng upuan habang nasa harapan naman namin ang dalawa sa mga bodyguards ni Ivan. Nasa hulihang upuan ang ikatlo.
"Just send me a message once you want to get home," sabi niya sa akin..
"Will do." Kabado akong ngumiti sa kanya.
Wala pang 15 minutes ay nasa harapan na kami ng bar. Ipinagbukas na kami ng pinto ng isa sa mga bodyguards at nauna nang bumaba si Ate. Susunod na sana ako ngunit hinawakan ni Ivan ang braso ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Don't get too drunk," bilin niya sa akin. Ngumiti ako nang tipid saka tumango sa kanya.
"I won't."
Nagulat ako nang dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko.
"I'll be waiting for your message," bulong niya pagkatapos humiwalay sa akin. Isang tango na naman ang isinagot ko sa kanya bago ako tuluyang bumaba.
Habang naglalakad sa entrance ng bar ay bumulong sa akin si Ate.
"Talagang in love na in love sa'yo ang isang iyon, Julian. Bantay-sarado ka ng mga bodyguards niya, ha?"
"Tayong dalawa ang babantayan nila, ate."
"You lucky bastard. May mansyon ka na, may kotse ka pa in just a snap of some fingers. Tapos napakaperpekto pa ng mapapangasawa mo without minding your age gap. And did you hear everything he said during our dinner? My god, 75 percent of his assets will go to you. Ilang bilyong dolyar kaya iyon?"
"You make me sound like a gold digger, Ate."
"Aw, shut up, Julian. You know that you're not. Stop thinking about that, okay? Isipin mo na lang that you're so lucky to marry a man like him."
Napalunok ako. Sa gagawin ko mamaya, siguradong hindi na matutuloy ang kasal namin ni Ivan.
Nang makapasok na kami ay agad na kaming dumiretso sa booth na pina-reserve ni Ate. Umorder siya ng mga inumin at habang inuubos iyon ay nagkukuwento siya tungkol sa nakilala niyang Filipino-Japanese model. Umaakto akong tila naiintindihan ko ang lahat ng sinasabi niya ngunit sa totoo lang, lumilipad ang isipan ko.
"Sino ba yang kausap mo sa phone?" tanong ni Ate nang mapansin niyang may ka-chat ako.
"Just some friends back home. They're looking for me. I was telling them that I'm having a vacation here in the Philippines," sagot ko sa kanya. Totoong ka-chat ko ang dalawa sa mga kaibigan ko ngunit bukod sa kanila, ka-chat ko rin ang pinsan naming si Cymon. Cymon is our Auntie Coco's youngest son. Siya ang tinawagan ko kagabi para hingian ng tulong. She lives here in the Philippines at siya ang sumunod kay Papa sa pamilya nila. Ang iba nilang kapatid ay nakatira na sa ibang bansa tulad ni Papa na nakatira sa Russia.
Our parents didn't know that I contacted her. Of course, kapag sinabi ko iyon, tiyak na matutunugan nila ang plano ko.
Yes. I'm leaving tonight and I have to sacrifice my sister for it. I don't want to marry Ivan. Not yet anyway. I think it's too early for us. We barely know each other and I don't agree na kapag kasal na kami ay saka pa lang namin kikilalanin ang isa't isa. Kaya nga ako umuwi dito sa Pilipinas ay para makapag-isip-isip pero sumunod naman siya. And now he's rushing me into marrying him. Hindi ba siya makapaghintay kung kailan ako handa? I'm still too young to get married.
Hindi ko nga maaala kung gaano ko kabilis naipaliwanag kay Auntie Coco ang lahat. I even begged her to help me that's why she sent Cymon to help me escape.
"Ate, I'll just go to the rest room," paalam ko kay Ate.
"Sure, sige."
Nang pumayag siya ay pinigilan ko ang sarili kong magmadali sa pag-alis. One of the bodyguards followed me while the other one stayed with Ate Jessica.
Nang makapasok ako sa loob ay naroon na si Cymon. Agad siyang lumapit sa akin, yumakap, at hinila ako sa isang cubicle na naroon.
"Long time no see, Couz," bulong niya sa akin.
"Yeah. How will we get out of here? Nasa labas ng restroom yung isa sa mga bodyguards," I informed him.
May inabot siya sa aking paper bag.
"Wear these."
Sinilip ko ang laman nga paper bag at may nakita akong shirt, jacket at baseball cap. May nakita pa akong eyeglasses doon.
"Pang-disguise," waring pagpapaliwanag ni Cymon. Itinuro niya ang suot niyang baseball cap sa ulo. Nagsuot pa siya ng pekeng bigote.
Kaagad kong hinubad ang polo shirt ko at isinuot ang t-shirt at jacket pati na rin ang baseball cap. Isunot ko na rin ang eye glasses.
"Leave your phone, Julian," utos sa akin ni Cymon.
Napabuntonghininga ako bago tumango. Nag-delete muna ako ng mga mensahe galing ay Auntie Coco bago ko pinatay ang phone. Inilagay naman iyon ni Cymon sa paper bag bago iniwan sa likuran ng toilet bowl.
"Let's go."
Huminga ako nang malalim bago tumango sa kanya. Sumilip muna kami ni Cymon at nang makitang abala ang bodyguard sa kausap niya sa phone, na malamang ay si Ivan, ay saka kami patakas na lumabas mula sa banyo. Dumiretso kami sa exit nang nakaakbay si Cymon sa akin habang pilit kong itinatago ang mukha ko. Alam namin na may mga CCTV sa bar kaya delikado kung makukuhanan kami nito. Mabuti na lang at maraming tao sa bar ng gabing iyon at may mga ilan kaming grupo na nakasabay palabas.
Hanggang sa makarating kami sa parking lot ay nakaakbay siya sa akin at ingat na ingat na masilip ang mga mukha namin.
Hindi nagmadali si Cymon sa pag-alis sa parking lot. We knew that if he'll rush out, it would be obvious sa CCTV ang ginagawa naming pagtakas.
Nang makalayo na kami ay saka niya binilisan ang pagpapatakbo sa kotse niya. Saka lang din ako nakahinga nang maluwag while silently apologizing to my cousin na iniwan ko sa bar. Bumaling ako sa pinsan ko.
"Cymon, thank you so much."
Sumulyap siya sa akin at saka ngumiti.
"No problem, Julian. Naiintindihan namin ni Mommy ang kalagayan mo. Isa pa, nobody should be forced to marry a person they don't love. Old school na old school na yung ganyang arranged marriage, eh."
Napabuntonghininga ako.
"My parents will be angry with me," wala sa loob kong sabi.
"At first, oo. But eventually, they'll understand why you did this. Anyway, I'll bring you with me sa apartment ko. Doon ka na muna mag-stay. Kapag nagsawa ka na, just tell me where you wanna go at ihahatid kita."
"Thank you, Cymon. Ilista mo muna. I'll just send what I owe you when I'm back home."
I have a few thousand of bucks inside my wallet at iyon ang balak kong gastusin sa pagtakas ko. Mabuti na lang at may cash ako. Madali na siguro ang magpapalit ng dollars into peso. I cannot use my cards. Ivan can easily check kung saan ko gagamitin ang mga iyon which will eventually tell him my location.
"No problemo. Wag mong gastusin ang pera mo kung hindi emergency ang sitwasyon. Mom sent me some cash for you to use. Once we arrive at my apartment, use my unused clothes for the meantime. Bukas, we will go shopping para may sarili kang gamit. You'll also need to buy a new phone or a tab."
"Kahit wag na yung phone. Kapag ginamit ko yung mga accounts ko, they can easily locate me through my IP."
"That'll be easy. Create a dummy account para at least maging aware and updated ka sa nangyayari sa family mo."
Napatango ako sa sinabi. "Good idea. I'd buy a tab rather than a phone then. Anyway, saan nga pala iyong apartment mo?"
Ngumiti siya nang maluwang bago sumagot.
"Baguio City."