Damn, halos isang oras pa akong nagtulug-tulugan sa tabi ni Ivan kagabi bago ako talagang nakatulog. At ngayon, nagising ako na wala siya sa tabi ko. "Ugh, Ivan. Sakit ka yata sa ulo," nasambit ko nang may bahagyang hapdi akong naramdaman sa ulo ko nang tuluyan na akong makaupo. Mukhang magiging ganito ang eksena ko gabi-gabi. Magpupuyat dahil makakatabi ko si Ivan. I am not used to sleeping with someone beside me, much more with someone who was cuddling me all night. Sa unang boyfriend ko lang naranasan at pinayagan iyon. Alexei and I do not do it sa tatlong taon na relasyon namin at hindi na ako sanay na may gumagawa niyon sa akin. Nang mawala na ang pananakit sa ulo ko ay tuluyan na akong umalis sa kama at nagtungo sa banyo. Pagkatapos kong magbanyo at magsepilyo ay bumaba na ako.

