IVAN It's night time at kanina ko pa kinukumbinsi si Julian na umuwi na para makapagpahinga. Sure he can sleep here pero alam kong hindi siya magiging kumportable. When I told him na umuwi na lang kaming dalawa, sinabi naman niyang kailangang bantayan ko ang baby ko 24/7 para hindi rin ako maging aligaga sa kaiisip sa sitwasyon nito. Sa unang pagkakataon tuloy ng buhay ko, hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Nawala ang kumpiyansa kong magdesisyon. "Why are you so worried, Ivan? Hindi naman ako mapapano rito? May hospital bed naman akong pwedeng higaan kung inaantok na ako." Lumingon pa siya sa hospital bed na nasa kuwarto. "But you won't be comfortable here, love. Every four hours ay pumapasok ang nurse dito para i-check ang baby. Maaabaala ang pagtulog mo." He rolled his eyes.

