Rafa was busy pumping her milk using an electric breast pump that we bought for her when Ivan arrived. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin nang makita ang ginagawa nito at tumingin sa akin na nakaupo sa sofa. Dumiretso siya ng punta sa akin at humalik sa pisngi ko bago nagtanong. "What are you doing here?" tanong niya bago umupo sa tabi ko. "Well, she needed assistance so I am here," sagot ko naman na lalong ikinadikit ng mga kilay niya. "We have a lot of men outside waiting for your command. Pwede mo silang utusan na tulungan siya." Napailing ako sa tila paninita niya sa akin. Natatawang hinaplos ko ang pagkakakunot ng noo niya. "Yes, marami sila na pwedeng utusan but they're not family." Napatitig si Ivan sa akin dahil sa sinabi kong iyon. "Family?" pag-uulit niya sa sinabi ko.

