"Cymon, that's enough," pananaway ko sa pinsan ko. Kanina pa Kasi siya tawa nang tawa at parang Wala pa siyang balak tumigil. May mangilan-ngilan na ring napapatingin sa amin. "Fine, fine!" Ikinaway niya ang kamay niya at saka pinunasan ang mga luhang dumaloy sa magkabilang pisngi niya dahil sa katatawa niya. "Mabuti na lang ngayon lang nila nakita ang mukha mo, cousin. Kung noon ka pa nakita, nako baka araw-araw sumasakit ang ulo ko." "Ang pogi naman kasi ni Kuya Julian, Cymon. Anyway, nakita ko si Beverly Marquez na lumapit dito kanina. Yun yung reigning queen ng school nila. Nagpakilala sa'yo, Kuya?" tanong ni Pauline. "Yes." "At binibigay pa ang number niya kay Julian," segunda ni Cymon sa sagot ko. "Pero parang hindi siya masaya noong umalis siya." "I didn't take it." "Per

