"Why are you looking at me like I told you that I was going to quit in showbiz?" Ipinilig ni Pat ang ulo nito dahil sa sinabi ni Jaksawn. Hindi makapaniwala ang manager sa sinabi niya dahil iyon ang unang beses na narinig nito na attracted siya sa isang babae. Ang totoo ay iyon naman rin talaga ang unang beses na nagkaroon siya ng interes sa babae. That woman in the convenience store almost eleven months ago caught his attention. Hindi lamang nito nakuha ang atensyon niya pati talaga ang puso niya. Hindi siya naniniwala noon sa love at first sight. But he didn't know that it really exist. Malalaman mo lang na totoo kapag sa iyo na nangyari. "H-Hindi naman sa ganoon, Jaksawn, pero sigurado ka na si Mimi? si Mimi iyong ipinapahanap mo sa akin?" "Ako na ang nagsasabi hindi ka pa rin na

