Nakapirma na si Mimi, ang pagkukulang lang niya ay hindi niya kaagad naitanong kung sino ang artista na pagsisilbihan niya. Gayunpaman, wala na rin siyang balak na umatras dahil nagmagandang loob na ang matandang D'Angelo sa kaniya. Sinabi rin naman nito na tapos na ang kontrata at hindi naman nito alam ang alitan nila ni Jaksawn. Ang totoo ay wala rin naman siyang ideya na lalala at hahaba ng ganoon. Ngayon, ang iniisip na lang niya ay kung paano niya pakikisamahan ang lalake lalo pa at nakapagbitaw siya ng mga hindi magagandang salita dito. Sinabi niya na mas magaling pang umarte si Marcus at mas guwapo pa ang ex niya dito. Napahawak siya sa kaniyang noo nang maalala ang pangyayaring iyon kanina lang. Marami rin ang nakarinig ng sinabi niya. Sana lang ay hindi matandaan ng mga empleya

