"Jaksawn." Kumatok siya sa pinto ngunit hindi ito sumasagot. Nang subukan niyang pihitin ang doorknob ay naka-lock iyon. Napabuntong hininga siya at kinuha ang susi ng pinto ng kwarto nito sa kaniyang bulsa. Nang mabuksan niya iyon ay isinarado na niya ang pinto, nakita niya si Jaksawn na nakatayo at nakahalukipkip habang nakayuko. May tinitingnan ito. Naglakad siya palapit. "Stop." Napahinto siya nang marinig ang sinabi ni Jaksawn. Nilingon siya nito at naglakad papunta sa kaniya. Hindi pa rin ito nagpapalit ng damit. "She went home?" tanong nito. "Oo, umuwi na--" "Sht," mura nito. Kita mo na, may pa-walk out pa at hindi na raw mangingialam pero napapamura pa ngayon dahil sa selos. Nang lalagpasan siya ni Jaksawn at lalabas ng pinto ay pinigilan niya ito sa braso. Naisipan lang

