Pagkatapos ng isang oras na byahe ay huminto ang van na sinasakyan nila Jaksawn. Bumukas ang pinto sa gilid at sinilip sila ni Pat. Nakatingin sa kaniya ang kaniyang manager nang pumasok ito upang malapitan siya. "She's still sleeping?" bulong ni Pat habang nakatingin kay Mimi. Tumango lamang siya at inayos ang kumot sa katawan nito. Nasalat niya ang leeg at noo ng dalaga at may lagnat pa rin ito. Mainit pa rin ang katawan. "Do we have medicine here?" "Mayroon naman, kaso kailangan muna niyang kumain para makainom ng gamot. Nandito na tayo sa tapat ng restaurant, bibili muna ako ng pagkain. May ipapabili ka pa ba na iba?" Umiling siya. Bababa na sana si Pat nang may marinig silang tunog. Napatingin silang parehas sa upuan ni Mimi. "May tumatawag ata kay Mimi..." "Can you get her

