"Jaksawn! nasagot mo na ba ang tawag ni Miss. Rossi?! kanina ka pa niya tinatawagan! ano na naman ba ang iniutos mo sa kaniya?" Malakas na itinulak ni Mimi si Jaksawn nang marinig niya ang boses ni Pat. Mabilis siyang lumayo at tumalikod sa lalake. Hinawi niya ang kaniyang buhok at pagkatapos ay pinaypayan ang sarili dahil nakaramdam siya bigla ng init. Air conditioned naman ang buong condo ngunit talagang uminit ang pakiramdam niya dahil sa ginawa nito kanina. "Oh, Miss. Rossi, nandito ka na pala." Ngayon nga ay nasa harapan na nila si Pat. Yumuko si Mimi dito at bumati. "M-Magandang umaga po, Mr. Pat, pasensiya na po at hindi na ako nakatawag ulit para sabihin sa inyo na nakapasok na ako dito sa condo," sabi niya sa manager. Umiling sa kaniya ang lalake at sinulyapan nito si Jaksaw

