Mabilis na hinila ni Mimi palabas ng Tiezza Condominium si Marcus. Hindi niya nililingon ang lalake. Nang masiguro na medyo malayo na sila sa building ay saka niya binitawan ang kamay nito. Hinihingal na tiningnan niya si Marcus. "Ano ba ang ginagawa mo sa Tiezza?" tanong niya. "I... moved here since last week, Miho..." Ano?! Nanlaki ang mga mata ni Mimi dahil sa narinig niyang sinabi ni Marcus. Sa dinami-rami naman ng condominium ay talagang sa condo pa kung nasaan si Jaksawn! paano siya makakapagtago kung naroon rin pala si Marcus? Isa pa! doon na rin siya maninirahan sakaling magsimula na siya bilang manager ni Jaksawn! hindi imposible na muling mag-krus ang landas nila ni Marcus dahil nasa iisang condominium lang sila. Kahit na nakalusot siya ngayon at naialis ang lalake ay tiy

