"What are you--" Mabilis na lumapit si Mimi kay Jaksawn at tinakpan niya ang bibig ng lalake. Hindi na siya makahinga sa kaba! ano ang ginagawa ni Hilaryo ng ganoon kaaga sa harapan ng kaniyang unit? hindi ito nagpupunta ng ganoong oras sa kaniyang unit! Hindi niya maaaring makita si Jaksawn! maraming artista na kilala itong si Hilaryo at tiyak ko na kilala rin niya itong si Jaksawn lalo pa at action movies ang madalas na pinapanood ni Hilaryo. Ano ba kasi ang kailangan niya ng ganitong oras ng umaga?! "My love!" Nakita ba nito si Jaksawn nang buksan niya ang pinto? Pero hindi! mukhang hindi naman nito nakita ang lalake dahil nga mabilis rin niyang naisara ang pinto nang makita ito. "My love?" kahit na takip niya ang bibig ni Jaksawn ay narinig niya ang mahinang tawag sa kaniyang ni

