Chapter 3

1988 Words
Wala parin ako sa sarili ko ng maka uwi na kami sa apartment. Puno ng dugo ang damit kung suot pati narin ang katawan ko. ''Maligo kana doon.''ani niya sabay turo ng banyo. Hindi ko na naman na pigilan ang sarili king pumatay. Ganon talaga ang nangyayari sa akin pag may nag udyok sa akin. Kaya nga ayaw kung magalit dahil sa oras na hindi ko mapigilan ang sarili ko dadanak talaga ang dugo. Hindi lang talaga ako maka paniwala sa nangyari kanina. Napatigil ako ni hambog most of the time kasi kung sino yung gustong pumigil sa akin na sasali sa hukay. For sure mababalita yon sa TV ang nangyari kanina. Hays minsan talaga naiinis ako sa sarili ko pati nga ako eh hindi ko na kilala ang sarili ko. Nge wala nga pala akong pamalit dahil lahat ng damit ko sa bag ay puno ng dugo. Buti na nga lang at nasa gitna ng damit ko ang mga importanting gamit ko. Lumabas ako ng naka bathrobe kay Mr. Hambog ata to pareho ng amoy niya eh. ''Here you can use it.''ani niya sabay abot ng kulay puti niyang damit at boxer short. ''Salamat.''pasalamat ko. ''Ano nga pala ang pangalan mo.?tanong ko. Kung kanina ay gusto ko siyang patayin ngayon ay subrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kahit naman may ka gaspangan ang ugali niya. Siguro ganon lang talaga siya, pero hindi naman talaga masama ang ugali niya dahil kahit saang angulo tignan., pinigilan nga niya ako sa balak kung pagpatay sa limang lalaki kanina eh. ''Just don't asked my name.'' Basa ang buhok niya siguro na ligo then siya dahil sa dugong dumikit sa damit niya. Naka suot lang siya ng pantalon at doon ko lang na pansin na may tattoo pala siya. Isa itong uwak na naka tungtung sa buwan. Ang ganda pala ng katawan niya kahit midyo may ka payatan siya. May apat siyang maliit na abs ok lang naman yon maganda ngang tignan eh. May tattoo din pala siya sa palapulsuhan niya banda isa itong bilog ns may maliking bituin sa gitna. I think simbolo yon ng isang gang. Ang astig niya pala kung kasali siya sa mga gangster. ''Bakit ayaw mong sabihin ang pangalan mo.? Ang unfair naman ata sinabi ko yung pangalan ko, ako si Angel Demonice Perez wala akong kinikilalang mga magulang. Si auntie yung nagpalaki sa akin. Pero pinalayas niya ako dahil muntik kung mapatay ang asawa at anak niya. Pumunta ako dito sa Manila para hanapin ang mga magulang ko dito daw kasi naka tira ang mga yon.'' ''Do you think I want to hear your story.?''kunot noo niyang tanong ''So ganyan kana talaga isang killer.? Baka kaya ka iniwan ng pamilya mo dahil sa ugali mo. '' Kinuyom ko ang mga kamao ko gusto ko siyang bugbugin hanggang sa sumuka siya ng dugo. Pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil siya lang ang taong nagpa kalma sa akin. ''Siguro kaya ayaw mong sabihin ang pangalan mo dahil ang pangit nito. Hambog na lang ang tawag ko sayo total bagay naman sayo.'' ganti ko ''mukha ka naman kasing hambog kung maglakad ka para bang pagmamay-ari mo ang lahat. Tas kung magsalita ka parang ikaw yung masusunod.'' ''Anong sabi mo.?''asar niyang tanong napa ngite na lang ako ng wagi. Mukhang maliit lang talaga ang pasensiya niya at arrogante. Para siyang bulkan na kahit ano mang oras ay bubuga na ng lava. ''Wala.''ngite kung sagot ''may palanggana kaba.? Lalabhan ko lang sana yung mga damit ko na nadikitan ng dugo.'' ''Tsk bakit kaba naghahanap ng iba may washing machine naman. '' Napa kamot na lang ako sa batok ko. Kaya nga ako naghahanap ng palanggana dahil hindi ako marunong sa washing machine. ''Turuan mo na lang ako kung paano.'' ''Fine follow me.'' Buti na lang at tinuroan niya ako. Madali lang pala maglaba pag washing machine yung gamit tapos may dryer's pa. Siguro mayaman tong si Hambog kasi amg ganda ng mga gamit niya naka aircon pa nga eh. Siguro anak mayaman siya sa klase ng pananamit at balat niya mahahalata mo talagang sunod sa luho siya. In short brat. Buti na lang at hindi kulay puti ang bag ko kung di mahihirapan talaga akong tanggalin yung dugo. Naka bathrobe ako bago lumabas ng bathroom nabasa kasi yung t-shirt na pinahiram sa akin ni hambog. Alangan namang lalabas ako ng ganon eh nakakahiya naman kadi bakat na bakat yung u***g ko. Hindi ko inaasahan na may bisita pala siya. Tatlo ito at parehong naka awang ang mga bibig. Baka pasukan ng langgaw. Tika nga lang ngayon lang ba sila nakakakita ng babaing naka bathrobe.? I think yung tatlong lalaki ay kaidaran lang namin ni hambog siguro mga kaibigan niya ang mga ito. ''Xero tatlong araw ka lang na wala pero may binabahay kana. Kianalimutan mo na ba si Celine sana all hindi kami inin-form.''gulat na tanong ng lalaking may hikaw sa ilong. Para siyang addict sa may kanto ang kaibahan lang nila ay may itsura siya. ''Gago.!''angal ni hambog so Xero talaga ang pangalan niya. Bagay sa kanya pang hambog ang dating. ''Mukha bang papatulan ko yan.? Na pulot ko lang yan sa probensiya at may lahi atang aswang. Pinatira ko lang yan dito dahil wala siyang matitirahan. Tsk ang dudumi ng utak ninyo.'' Kaya niya siguro na isip na aswang ako dahil sa nangyari kanina. Sinamaan ko na lang siya ng tingin grabi napaka judgmental niya. ''Sabagay patay na patay ka nga pala kay Celine at sa kanya ka lang tumitino.'' ''Sino ka.? Anong pangalan mo.?''tanong ng midyo singkit na lalaki yung mata niya katulad ng mga kdrama at cdrama na napapanood ko. Pwede siyang maging leading man sa ano mang uri na palabas. ''Hindi po ako sinuka niluwal po ako ng Mama ko. At ang pangalan ko naman ay Angel Demonice Perez at pwede niyo akong tawaging Angel.'' Lumapit sa akin yung lalaking may hikaw sa ilong at nagpakilalang Ash samantalang nagpakilala naman yung singkit at Zenon ang pangalan. At yung isang seryoso ay Rusty ang pangalan. Na curious lang ako kung sino yung si Celine.? Sa pagkaka alam ko ay ibibigay ni hambog yung ring. Sino nga ba talaga si Celine baka naman kamag-anak yon ni tiki-tiki at cherifer.? Ay iwan. Nagpasya akong iwan muna silang apat sa sala alangan namang makipag usap ako sa kanila diba na out of place na ako sa mga pinag-uusapan nila. Kailangan ko pang isampay yung mga damit ko. Mas maganda kasi pag sa araw kisa sa dryer. Bulakbul siguro yung si Hambog narinig ko kasing pinag-uusapan nila na hinanap na daw si Hambog ng mga teacher. Kasi daw ilang araw hindi pala ilang araw ilang linggo na pala itong hindi pumasok. Napa ilang na lang ako ganyan ba talaga ang mga anak mayaman.? Nagwawaldas ng pera, may bisyo at bulakbul sa pag-aaral. Buti nga sila eh may mga magulang pang nag tutustus sa mga kailangan nila. Nang matapos na akong magsampay at naka bihis narin ako ay bumalik na ako sa sala. Doon ko naabutan ang naka kunot ang noo na si Hambog na Xero ang pangalan at madilim ang awra naka tingin sa News report. Mukha ni Mr. Fuentes ang naka flash sa report siya yung Billionaire na nakikita ko sa TV dati. Grabi ang yaman niya talaga at ang swerte ng mga anak niya. Balita ko may tatlo siyang anak dalawang babae at isang lalaki. Kilala ko na siya at yung dalawa niyang anak na babae. Dahil sila lang naman ang isa sa mayamang angkan dito sa Pilipinas at pati narin sa buong mundo. Model yung panganay niyang anak at fashion designer naman yung pangalawa. Hala bakit yung bunso yung magmamana eh sa balita ko rebelde yon at matigas ang bunggo. In for the first time in forever pinakita narin ang larawan ng bunso niyang anak. At mukha ito ni Hambog sabi na eh anak talaga siya ng mayaman di lang mayaman Billionaryo pa. Sabi na eh mayaman siya hindi lang basta mayaman subrang yaman. ''Fuck.''mura niya sabay bato ng bote sa flat screen. Nge sayang yung TV wasak na wasak nagkalat ang mga bubog sa lapag. Napaka walangya niya sinayang niya lang yung mamahaling TV. King of distraction goes to Xero Fuentes. ''That stupid rag is out of his mind. ''galit niyang saad at naka kuyom pa ang mga kamao. Hindi ba siya masaya na pinakilala na siya ng Papa niya.? ''Chill bro hindi mo pa ba kinausap ang Papa mo tungkol dito.?''takang tanong ni Ash ''Tsk gusto niya ata ng palabas.''ngise nitong saad sabay dabog palabas ng apartment. Narinig na lang namin ang paghatorot ng motor. ''Mayaman pala siya.? Isa siyang Fuentes diba wow isa pala siyang Billionaryo.? At may kapatid siyang isang model at fashion designer. Sina Yssa Fuentes at Yasse Fuentes''di maka paniwala kung saad. ''Yes but Half-sister.''maikling sagot ni Zenon. Paano na padpad ang kagaya niya sa probensiya at sumakay pa sa isang ordenaryong bus at muntik pang ma holdap. ''Taga Oxford ka ba.?.''tanong ni Rusty ''Huh.? Oxford.?''taka kung tanong pa balik kay Rusty. Nagka tinginan naman silang tatlo. Problema ng nga to.? ''Oxford University is the most famous and exclusive school for heirs of the multi millionaire and Billionaire. ''Sagot ni Ash. ''Don't tell me hindi mo alam.?'' Napa kamot naman siya sa ulo niya. ''That's school is very famous how come you didn't know.?'' ''Neh It's only famous for the royalties.''walang ganang sagot ni Zenon. ''Paano mo nakilal si Xero.? How come na naka pasok ka dito eh kami lang namang tatlo ang nakakapasok dito.'' Big deal ba yon sa kanila.? Sabagay mukhang masungit ang Hambog na yon. ''May bagay kasing nasa saakin at kailangan niya yon.'' ''Ga ano ba yon ka importante at pinatira ka talaga niya dito.'' Kailangan pa ba nilang malaman yon.? ''Wala ba kayong klase ngayon.? Monday ngayon oh si Hambog este Xero ba hindi papasok.?'' Tumawa naman ng bahagya sila Ash at Rusty samantalang ngumise lang si Zenon. ''Masaya na ang mga studyanting wala si Xero. Dahil pagpapasok ang demonyo baka mas gustuhin na lang ng mga studyanting wag pumasok.'' Tumayo silang tatlo palabas ng apartment. ''Mauna na kami.'' Nginitian ko na lang sila ako na naman ang mag-isa dito. Saan ba kasi pupunta yung hambog na yon.? Kung lalabas naman ako baka may ma patay pa ako katulad ng limang lalaki kanina. Kamusta na kaya ang mga yon na konsensiya ako sa ginawa ko. Paano na lang kung hindi ako pinigilan ni Hambog baka patay na ang mga yon. ''Kung ano mang bagay na nasayo. Siguro subrang importante yon at nagawa ka niyang patuloyin sa apartment niya. Paala ko lang sayo wag kang gumawa ng bagay na ikagagalit niya. Dahil sa isang tao lang siya mabait at si Celine iyon. Kaya mag ingat ka.'' Gaano ba ka demonyo yang si Hambog.? Mas demonyo pa kaya sa akin. Mukhang hindi maging madali ang buhay ko dito. ''He can't harm me I know that.''dahil sa oras na ginawa niya yon hindi na siya sisikatan ng araw. ''Paano mo naman nasabi.?''tanong ni Ash ''Akala ko ba aalis na kayo.?''taka kung tanong ''Oo nga pala sige una na kami.'' Tumango na lang ako sa kanya. Gustuhin ko mang umalis dito pero hindi ko magawa dahil baka maulit na naman ang nangyari kanina. Maybe sometimes I'm a demon pero may konsensiya naman ako pag nabalik na ako sa katinuan ko. I've kill a lot of innocent people and I regret it, may mga desisyon akong pinagsisisihan. Tulad na lang ang pagpatay sa mga taong nagkasala sa akin. Alam ko namang masama ang pumatay pero anong magagawa ko kung naka sanayan ko na talaga. Simula noong na matay si Lola ay naging ganito na ako, sumasali ako ng p*****n para magka pera. Ayaw kasi ng auntie ko sa akin dahil ako daw yong dahilan kung bakit namatay si Lola, kahit ang totoo niyan ay namatay si Lola sa sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD