Emma hastily scratched item number three . Paulit -ulit niyang binura , hanggang sa naghulma ang ink sa papel . Kailangan niyang tapusin ang revision ng kaniyang libro at hindi excuse ang renovation ng kaniyang bahay para hindi ito gawin . Simula ng mamamatay si Victor ay namalagi siya sa kaniyang kuwarto at halos hindi na lumabas at hindi na rin nagsusulat . Pero sa kasalukuyan ay hindi na siya nag-iisa sa kaniyang bahay . Napalitan ng ingay mula Kay Ayala at ng kaniyang crew . Maliban Kay Philip Alinicado , ay may dalawa pang dinagdag si Mark na kasamahan niya sa paggawa ng bahay . Tinawag niyang Tweddledee at Tweddledum ang mga ito dahil sa palagi niyang makalimutan ang kanilang pangalan . Tutal , pareho namang matangkad , malaki ang balikat at magkamukha ang dalawang lalaki , kay

