Mag-a-alas tres ng hapon ng makarating si Marissa sa napag-usapan nilang tagpuan ni Art. Halos dalawang oras na rin siyang huli sa napag-usapan nila. Naipit siya sa masikip na trapiko sa kahabaan ng Marcos Highway gawa ng ilang bahagi nito ay binabaha pa rin.
Pagbaba ni Marissa sa fx na sinasakyan niya mula Cubao hanggang sa nakarating siya ng Maynila, sinilip nito ang sarili nito sa repleksyon ng kanyang sarili sa bintana. She’s a total mess at the moment. Magulo ang buhok, humuhulas ang make-up at hindi maayos na pananamit. She shook her head in disappointment. Maaga pa lang ay pinag-usapan at pinaghandaan nilang dalawa ito pero hindi nito inaasahan na magiging ganoon ang kinahihinatnan.
Dali-dali siyang naglakad patungo sa SM Manila at kaagad naghanap ng CR para makapag-ayos. Art has been calling and sending her text messages, but she didn’t response to it at all. Sobrang kahihiyan na ang kinahaharap niya, at nahihiya siyang harapin ito. Gusto niyang masiguro muna na maayos ang kanyang sarili bago humarap kay Art.
She opened her bag and grabbed her mini make-up kit. Kinuha muna nito ang suklay at inayos ang kanyang buhok. Sinunod nito ang pagpapahid ng pulbo sa kanyang mukha at paglalagay ng pulang lipstick na dumagdag sa kagandahang taglay niya. She stared at herself in the mirror and finally fixes her clothes. Mas mukha na siyang presentable kumpara no’ng bumaba siya ng fx. She closed her eyes and deeply sighed. She stared at herself in the mirror once again and smiled unconsciously. She’s more confident now and she’s now ready to face Art.
Kinuha nito ang kanyang telepono at ni-reply-an ang isa sa mga text message ni Art. “I’m coming.”
Dali-dali na itong naglakad papunta sa kitaan nilang dalawa ni Art. Kinakabahan pero hindi na siya puwedeng magtagal. Sobrang nakakahiya na ‘yong ilang oras siyang late sa usapan nila. Ilang oras na ring naghihintay doon si Art kaya binibilisan na niya ang paglalakad.
Bumaba siya sa unang palapag ng mall at kaagad hinanap si Art. Nilingon nito ang paligid nito sa pagbabaka sakaling makita nito si Art pero bigo ito. Patuloy nitong nilibot ang paningin niya sa pagbabakasakaling matagpuan si Art pero hindi talaga nito makita ang binate. She was about to text Art when someone poked her from behind. It was Art. Napaatras ng kaunti si Marissa at pinagmasdan si Art.
Porma kung porma si Art. He’s wearing a navy blue polo paired with a khaki pants and fully polished black shoes. Mukhang kagalang-galang si Art sa porma niya. Idagdag pa ang nakangiti nitong mukha na bumungad sa dalaga pagkakita nito sa kanya. Nahiya bigla si Marissa sa suot nitong black plaid skirt at puting sweater na tinernuhan niya ng itim din na bota. She didn’t expect that this is going to be formal. Ang buong akala niya, simpleng lakad lamang ito at pamamasyal. She didn’t expect that Art will put all his efforts on his clothes. Kung alam lang niya, baka mas nakapili pa siya ng mas magandang masusuot nito.
Umiling si Marissa at hinawi ang kanyang buhok. “I’m really sorry, Art. Sobrang late na ko. Sorry talaga. Sobrang traffic kasi talaga. Believe me or not, maaga talaga ako umalis sa amin.”
Natawa ng bahagya si Art. “You have nothing to worry about. Ang mahalaga, nandito ka na ngayon.”
“Pasensya na talaga. Nakakahiya rin ‘tong suot ko. Hindi mo naman sinabi sa ‘kin na kailangan pala pormal.”
“Ano ka ba? That’s fine with me. Ganito talaga kasi ako mag-ayos, at ganyan ka rin. I don’t have a problem with that,” kinuha ni Art mula sa kanyang likuran ang isang pulang rosas na siyang ikinagulat ni Marissa. “Gusto kita kung ano ka man. Wala kang dapat baguhin para lang makibagay sa iba. I like your outfit to be honest. It’s very you. I can see that.”
Biglang nag-init ang mga pisngi ni Marissa at nagpipigil na ngumiti. Inabot nito ang rosas ni Art. “Maraming salamat dito. Kain muna tayo, medyo nagugutom na kasi ako. Ako muna sagot ngayon. Pero huwag naman do’n sa mahal, ah? Baka hindi ako makauwi ng Cainta.”
Napailing na lamang ng kanyang ulo si Art at niyaya na si Marissa patungo sa gusto nitong kainan. Sinusubukang iwasan ni Marissa ang mga pakikipag-usap ni Art sa kanya dahil ramdam pa nito ang pamumula ng pisngi niya sa simpleng pag-appreciate ni Art sa kanyang kasuotan at maging sa pagbibigay nito ng bulaklak sa kanya. Alam nito sa sarili niya na kapag humarap siya, paniguradong hindi nito mapipigilan ang sarili na mapangiti.
Dumating sila sa kainan na gusto ni Art. Nakahinga ng maluwag si Marissa dahil alam nito na pinagbigyan siya ni Art sa pagkakataong iyon.Tinanong niya si Art kung ano ang gusto niyang kainin at pinahanap na nang mauupuan matapos. Hindi na ganoon kahaba ang pila ng mga oras na iyon kaya mabilis na nakabalik si Marissa sa kanilang inuupuan.
Sinimulan nila ang pagkain. Marissa ordered porksilog for Art as he requested and she ordered dinuguan and two cups of extra rice. Gutom na gutom si Marissa dahil sa matinding trapiko na sinapit niya. Pansin ni Art ang pagiging Magana nitong kumain kaya hindi nito maiwasan na mapangiti. Marissa got conscious by the way Art stared and smiled at her.Iitnabi nito ang kubyertos nito at itinuon ang atensyon kay Art.
“Pasensya ka na kung makalat ako kumain. Nararamihan ka ba sa kinakain ko? Pasensya ka na. Gutom na gutom talaga ako.” Marissa explained to him.
Art gave him a candied smile. “Ano ba sabi ko sa ‘yo kanina? Just don’t mind me. Wala akong problema sa kung ano ang gusto mong gawin. Kahit maka-sampung extra rice ka pa, walang problema sa akin. Sasamahan pa kita. Alam kong pagod ka sa naging biyahe mo.”
“Ikaw, baka may gusto ka pang idagdag diyan. Just let me know.”
Art just nodded his head and they both decided to continue eating. Sinubukan ni Marissa na makipag-usap kay Art habang kumakain sila dahil nito kinakaya na tinititigan siya nito habang kumakain siya. Nakaramdam ito ng biglang pagkailang at hiya.
Tumayo si Art mula sa kinauupuan niya at inawan muna si Marissa sa kinauupuan nila. Tumingin siya sa menu board at naghanap ng pupuwedeng panghimagas nilang dalawa ni Marissa. He’s not quite sure of what he will get for Marissa but he knows for sure that whatever it is, she’ll appreciate it.
Bumalik na si Art sa kanilang mesa at saktong katatapos lang ni Marissa kumain. Nabigla ito ng makitang may dalang halo-halo at isang platito ng leche flan ang binata.
“Sabi ko naman sa ‘yo, kung may gusto kang kainin, sabihin mo sa akin. Sagot ko ‘tong tanghalian natin.” usal ni Marissa.
Inayos ni Art ang kanyang pagkakaupo at inabot kay Marissa ang baso ng halo-halo. “Hayaan mo na ako. This is my treat. Alam kong pagod ka sa biyahe kaya deserve mong kumain ng marami.”
Napailing na lamang si Marissa at ngumiti. “Kung ‘yan ang gusto mo, fine. Maraming salamat dito.”