Nahinto siya sa pagsusulat ng biglang mag-vibrate ang telepono niya. Nakatanggap ito ng mensahe mula kay Art. Bigla itong napatayo sa kinauupuan nito. Nakalimutan nitong i-text si Art mula no’ng nagkahiwalay sila. Nataranta bigla si Marissa. Kaagad niyang binuksan ang mensahe at binasa ang nilalaman nito. Hi. Gising ka pa ba? Waiting ako sa start ng shift ko today hehe Napasinghap ng malalim si Marissa at naupo muli sa kinauupuan niya kanina. “Yup hehe. Sorry knina kung bgla akong umalis bka ksi kulitin k lng ng mga frenny ko” Can I call? Mas nataranta si Marissa ng sabihin ni Art ‘yon. Hindi nito alam kung ano ang sasabihin. Pero hindi na siya nabigyan pa ni Art ng pagkakataon. Walang sabi-sabi ay bigla na itong tumawag sa kanya. Muntikan pa niyang mabitawan ang kanyang telepono d

