4.

1333 Words
Kabanata 4 Hindi na nagawang makapagpaalam ng maayos ni Marissa dahil sobrang kinukulit na nang mga kaibigan niya si Art. Nakaramdam ito ng hiya kaya mas pinili nalang nito na hilain palayo ang mga kaibigan niya at napagdesisyunan nalang na kausapin si Art pag-uwi nito sa kanilang bahay. “Girl, bakit mo kami kinakaladkad? Gusto lang naman namin makilala si Art. Hindi naman kami nagpapalibre ‘no!” bulalas ni Dani. “True! Mukha ba kaming patay gutom, girl? Sumagot ka!” paghuhurumentado naman ni Shiela. Pinagpapalo ni Marissa ang braso ng mga kaibigan at nilingon ang paligid. “Ano ba kayo? Siyempre nakakahiya sa tao ‘no. Kakatapos lang ng trabaho no’n tapos hina-hotseat niyo naman. Sira ulo ba kayo?” “Umamin ka nga sa ‘min, Marissa,” biglang hinapit ni Shiela palapit sa kanya si Marissa at nilingon ang paligid na tila may hinahanap mo. “Boyfriend mo ‘yon, ‘no? Tapos nililihim mo sa amin. Umamin ka na kasi. Hindi naman kami magagalit.” “Alam niyo, mga letse kayo! Nakakahiya kaya sa tao. Tara na nga at bumalik na sa school. May isang oras pa naman tayong break. Iidlip nalang muna ako.” “Ang KJ mo talaga!” Hindi nalang pinansin ni Marissa ang mga kaibigan at nagsimula ng maglakad palabas ng mall. Kinukulit siya ng mga kaibigan niya na magkuwento tungkol kay Art at kung paano sila nagkakilala pero hindi niya nalang ito pinansin. Sinubukan niyang ibahin ang magiging takbo ng usapan nila at nagtagumpay naman siya. Inaalala ngayon ni Marissa si Art. Hindi ito nakapagpaalam ng maayos sa kanya. She wanted to send a message to him, but she couldn't. Alam nitong kapag ginawa niya ‘yon, mag-iisip na naman ng kung ano-ano ang mga kaibigan niya. Hinihiling nito na sana naintidihan ni Art kung bakit niya nagawa ang bagay na ‘yon. Maagang natapos ni Marissa ang mga assignment niya at naisipan niyang tumambay muna sa labas ng bahay nila. Mag-a-alas diyes na nang gabi at hindi pa siya nakakaramdam ng antok. Alas dose pa ng tanghali ang unang klase niya bukas kaya ayos lang na hindi muna matulog ng maaga. Dala-dala ang kanyang telepono, naupo ito sa tricycle ng kanyang ama at sinimulang magtipa rito ng mga naiisip niya para sa kanyang isinusulat na kuwento. Tuloy-tuloy ang pagtitipa niya dahil patuloy din ang pagpasok ng ideya sa kanyang isipan. Nagawa niyang makapagsulat ng isang kabanata sa kanilang paaralan kanina at ngayon, masaya siyang nakakapagsulat siya ng panibagong kabanata. Nahinto siya sa pagsusulat ng biglang mag-vibrate ang telepono niya. Nakatanggap ito ng mensahe mula kay Art. Bigla itong napatayo sa kinauupuan nito. Nakalimutan nitong i-text si Art mula no’ng nagkahiwalay sila. Nataranta bigla si Marissa. Kaagad niyang binuksan ang mensahe at binasa ang nilalaman nito. Hi. Gising ka pa ba? Waiting ako sa start ng shift ko today hehe Napasinghap ng malalim si Marissa at naupo muli sa kinauupuan niya kanina. “Yup hehe. Sorry knina kung bgla akong umalis bka ksi kulitin k lng ng mga frenny ko” Can I call? Mas nataranta si Marissa ng sabihin ni Art ‘yon. Hindi nito alam kung ano ang sasabihin. Pero hindi na siya nabigyan pa ni Art ng pagkakataon. Walang sabi-sabi ay bigla na itong tumawag sa kanya. Muntikan pa niyang mabitawan ang kanyang telepono dahil sa biglang pag-ring nito. Huminga ito ng malalim at sa pagbilang nito ng tatlo, sinagot na niya ang kanyang telepono. “Hi.” matipid na bati nito. “Hi. Bakit gising ka pa? Wala ka bang pasok bukas?” tanong ni Art sa kabilang linya. “Tanghali pa ang unang subject ko. Ikaw ba? Anong oras ng shift mo?” “Mamayang alas dose,” Art laughed slightly on the other line. “Kumusta ang lakad niyong magkakaibigan kanina?” Nasapo naman ni Marissa ang kanyang noo. “Tungkol pala roon, I’m sorry kung hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sa ‘yo. It’s just that, mangungulit lang sila sa ‘yo. Akala nila, pinaglilihiman ko sila. Akala nila, boyfriend daw kita.” Napagtanto ni Marissa kung ano ang mga nasabi niya. Napasabunot ito sa kanyang buhok dahil doon. Nasampal din nito ang kanyang bibig dahil walang tigil ito sa pagsasalita. On the other line, Art can be heard giggling because of what Marissa said. “Sorry, sorry! Huwag mo nalang pansinin ‘yong sinabi ko.” “You don’t have to. I find it cute, though,” Art said, still giggling on the other line. Naramdaman naman ni Marissa na tila uminit ang kanyang mukha sa kanyang narinig sa kabilang linya. Natahimik naman ito at napako at paningin sa kawalan. Hindi na bago sa kanya ang mga ganoong linyahan. She's used to be called by someone that way. May taglay ding kagandahan si Marissa na kayang pumukaw ng atensyon ng mga kalalakihan. Idagdag pa ang natatanging talento nito sa pagsusulat, mas lalong nakakabihag ito ng kalalakihan. She felt the heat running through her face. Umiling-iling ito at sinubukang ipawalang bahala nalang ito. Kasalanan ito ng walang tigil niyang pagsasalita. Baka isipin ni Art na may gusto ito sa kanya. She's not assuming that Art has something with her, though. "Sige, goodnight na. Bigla kasi akong inantok," pag-iiba ni Marissa sa usapan. "Nababagot ka ba sa usapan natin? I'm sorry. Kung tungkol naman 'to sa sinabi ko, I'm telling you the truth. I really find you cute." Marissa can feel the sincerity in Art's voice. Hindi nito alam kung ano ang mararamdaman niya. It really felt awkward. "I really have to go. Goodnight, Art. Let's talk again some other time." Hindi na nito hinintay pang makapagsalita pa si Art at ibinababa na nito ang tawag. Her heart skipped a beat. Hindi nito alam kung tama ba ang nararamdaman niya. She just shook her head and headed back to their home. Pumasok siya ng kuwarto nila at naabutan niya ang Ate Yen niya na namamalantsa ng kanilang uniporme. Napansin naman ng àkanyang kapatid ang tila pagiging balisa nito pero binaliwala niya muna ito. Nahiga si Marissa sa kanilang higaan at tinitigan ang kanyang telepono. Nagtungo ito sa gallery ng kanyang telepono at inisa-isa ang mga larawang nandoon. She stopped at the picture of the two of them with Art. She examined the photo and can't help herself but to smile at the thoughts. Nagtaka naman ang kanyang kapatid sa ikinikilos nito kaya binato niya ito ng bimpo. "Ano'ng nginingiti-ngiti mo riyan, Marissa? May boyfriend ka na `no?" Nanlaki ang mga mata ni Marissa kaya napabangon muli ito sa higaan nila. "Pinagsasabi mo? Bawal ba ako ngumiti? Masyado kang tamang hinala, ate." Naglakad papunta sa kanya ang kanyang Ate Yen at walang pasabing inagaw ang kanyang telepono. Pilit na inaagaw ito pabalik ni Marissa pero hindi nito nagawa. "Ngayon mo sabihin sa akin na hindi lalaki ang dahilan kaya ka pangiti-ngiti dyan?" "Akin na nga 'yan!" naagaw na ni Marissa ang kanyang telepono at saka naupo sa kama nila. "Kung ano man `yang iniisip mo, mali ka. Kaibigan ko lang `to, 'no." "Okay. Nasa tamang edad ka naman na kaya hindi kita papakialaman pagdating sa ganyan. Pero ito lang ang tatandaan mo palagi, magtapos ka sa pag-aaral mo dahil 'yan lang ang magiging kayamanan mo. Siyempre, bukod do'n sa mga achievement mo as a writer. Proud na proud ako sa 'yo, alam mo 'yan. Pagdating sa lalaki, kilalanin mong maigi. Huwag kang magpadaan-daan sa kilig lang. Dapat `yong kaya kang panindigan at `yong totoong mahal ka." Tinaasan naman ng kilay ni Marissaang kanyang kapatid. "Para kang sira. Pero salamat, ate. Tatandaan ko palagi `yan." Ngumiti naman ang kanyang kapatid. "Mabuti `yan. Kung wala ka ng gagawin, matulog ka na para marami kang lakas bukas." Marissa just nodded her head and smiled at her sister in return. Humiga na ulit siya at itinuon nalang muli ang atensyon sa sinusulat niya kanina. Her thoughts are Flowing non-stop. Kailangan niyang isulat ito bago pa mawala ng tuluyan sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD