Kabanata 2
The day was over, and Marissa was feeling very tired. She had signed many books that she could no longer feel his hand. Hindi niya nagawang pirmahan ang lahat ng libro kahit gustuhin niya. Hindi kinaya ng oras at kailangan na nilang lumisan ng sakto sa oras. Humingi siya ng paumanhin sa mga hindi niya napaunlakan at ipinangakong babawi nalang sa susunod. Nagpakuha na lamang siya ng group picture kasama ng mga hindi pinalad na makapagpapirma sa kanya at pinangakong i-a-upload ito sa f*******: page at group niya.
Pagpasok niya ng kanyang kuwarto, kaagad itong bumagsak sa malambot na kama nito. Pagbagsaki nito sa kama ay siyang pagbangon naman ng kapatid niya na tila naalimpungatan. Binato nito ng unan si Marissa at inayos ang pagkakaupo.
“Kumusta naman book signing? Dami bang tao?” ani Yen, nakatatandang kapatid nito.
“Nakakapagod ‘’yong biyahe pa lang, ate. Imagine, tagarito ako sa Cainta, babiyahe pa ako ng halos dalawang oras para makarating sa Cubao. Tapos mula Cubao, sasakay ako ng bus at babiyahe ng halos tatlong oras kung traffic makapunta lang sa Mall of Asia. Sa biyahe pa lang, pagod na ako, what more kung nasa event na ako? Pero sobrang worth it naman, ate. Ang daming pumunta at ang saya ng event. Ang dami ko ring nakilala roon.” masayang pahayag ni Marissa.
Batid sa mukha ni Marissa ang kasiyahang nararamdaman kaya napangiti na rin ang kanyang Ate Yen. Muli itong humiga at kinuha ang unan na binato kay Marissa. “Masaya ako para sa ‘yo, Marissa. Sige na, magpahinga ka na rin. Kung hindi ka pa kumakain, may natira pang ulam sa ref, initin mo nalang. Matutulog na ko. Opening ako bukas. Huwag ka nang maingay.”
Tumango nalang si Marissa at naglakad na muna patungo sa computer nito. Habang naghihintay na bumukas ito, kinuha niya ang isang maliit na kahon na naglalaman ng mga liham na galing sa mga tagahanga niya. Isa-isa niyang binasa ang ilan sa mga ito. Hindi nito mapigilan ang kiligin sa mga ito. It was as if she had received a love letter from her partner. Hindi maipinta ang ngiti sa kanyang mukha.
Nang bumukas na ang kanyang computer, itinabi na muna niya ang kahon at kaagad binuksan ang f*******: account nito. Maraming lumabas na notification sa kanyang account at karamihan doon ay mga tagged post at photos sa naganap na booksigning event. Isa-isa niyang ni-like ang mga iyon at kaagad nagtungo sa mga messages niya. Tambak din ang mga messages niya dahil mula ng dumating siya sa Mall of Asia, hindi nito nagawa pang kalikutin ang kanyang telepono maliban nalang kung magpapa-picture ito sa mga kakilala niya at iniidolo niya. Sinikap ni Marissa na reply-an ang ilan sa mga ito at nagpasalamat sa mga nag-chat sa kanya na dumalo rin sa nasabing pagtitipon.
Biglang naalala ni Marissa ‘yong lalaking nagbigay sa kanya ng stuffed toy at tsokolate, si Arthur. Ipinagtanong nito sa mga admin ng kanyang group kung may napapansin silang Arthur na naglalagi sa group pero wala raw. Walang ibang nagawa si Marissa kung hindi hanapin sa friend request niya si Arthur.
Halos kalahating oras ang iginugol ni Marissa para lang makita si Arthur. Kaagad niya itong nakilala sa profile picture nito na hawak ang mismong teddy bear na ibiinigay sa kanya kaninang book signing. Ilang saglit lang ay nakatanggap na nang mensahe si Marissa mula kay Arthur.
Hi! Thanks for accepting my friend request.
And for signing my book, miss hehe.
Umayos naman ng kanyang pagkakaupo si Marissa at nagsimula magtipa ng kanyang sagot. “You’re welcome. Hope you’ll enjoy the book :)”
Nagpatuloy ang pag-uusap nilang ‘yon. Doon napag-alaman ni Marissa na isang call center agent pala si Arthur at ngayon ay naghahanda pa lang para pumasok sa opisina nito. Doon na raw ito natulog sa opisina nila para maaga siyang makabiyahe papuntang book signing at makapagpapirma kay Marissa. Nabanggit din nito na wala pa pala itong masyadong tulog kaya hindi alam ni Marissa kung makakaramdam ba ito ng awa sa binata. Pero ganoon pa man, ipinagapasalamat nito na dumalo ito sa book signing at nakapagbigay ng suporta.
Mag-a-alas dose na nang madaling araw ng makaramdam si Marissa ng pagkaantok. Unti-unti nang bumibigay ang kanyang mga mata pero nilalabanan niya pa rin para lang hindi maiwan sa ere si Arthur. Maraming bagay na silang napagkuwentuhan sa sandaling oras na nagkausap sila. Nagawa na nga ring ikuwento ni Marissa ang ilan sa mga plano nitong isulat na siyang ikinatuwa naman ng binata. He was the first person to know about them. He was happy about that. Pakiramdam niya, privileged dahil nauna siyang makaalam sa mga iyon.
Inaantok ka na ata. U can take a rest na alam kong pagod ka
Maraming salamat pala
d ko akalain na kkausapin mo ako akala ko snob ka rin tulad ng iba, hnd pla
Gudnight!
Hindi na kayang labanan ni Marissa ang antok kaya nagpaalam na rin siya kay Arthur. Pinatay na nito ang kanyang computer at dahan-dahan humakbang paakyat sa kama nila. Mula sa kinahihigaan niya, tanaw niya ang teddy bear na binigay sa kanya ni Arthur. Hindi nito napigilan ang mapangiti.
Unti-unting ipinikit ni Marissa ang kanyang mata at sa ilang sandali pa lang ay nakatulog kaagad ito.
Mag-a-alas tres ng hapon at ngayon lang nagising si Marissa. Sobrang himbing at lalim ng kanyang tulog kaya hindi na siya nagawang abalahin pa nang kanyang pamilya. Dali-dali siyang bumangon ng maalala nitong may mga kailangan pa pala siyang asikasuhin na assignment at project.
Bumaba ito ng kusina kung saan naabutan niya ang kanyang ina na nagluluto ng pancake para sa meryenda. Hindi na nagsayang pa ng oras si Marissa at kaagad ng kinuha ang kaning lamig at ang natirang ginisang sayote na ulam nila. Naalala nito na kakailanganin niya rin palang pumunta ng bookstore para bumili ng mga materyales para sa proyekto nila. The clock is ticking and she’s running out of time.
Mabilis na naligo si Marissa at nagpaalam sa kanyang ina na pupunta lang munang bookstore para bumili ng mga gamit. Inabutan siya nito ng pamasahe at ng kaunting dagdag pero tinanggihan ito ni Marissa. Sapat pa raw ang pera niya at itabi nalang daw ‘yon para sa mga susunod na araw.
Pagdating niya nang bookstore, kaagad niyang kinuha ang mga kakailanganin niyang materyales; cartolina, pentel pen, colored papers, glue at ilang glitters. Nang sa tingin ni Marissa ay sapat na ang mga ‘yon, naisipan muna nitong dumaan sa section kung saan naka-display ang libro sa ilalim ng Philippine publication.
Bumungad sa kanya ang poster kung saan nakalagay na number 2 ang librong isinulat niya. Marissa can't explain how happy she is. It's been three months since her book got published, yet, it already made it to the top 2 of the best-selling books nationwide. Unti-unti nang natutuad ang pangarap niyang maging tanyag na manunulat. Mas lalo siyang nagkaroon ng inspirasyon para magsulat.
Naglakad na ito patungo sa aisle kung nasaan ang mga librong inilathala ng Hatoria Publishing House. Masaya siyang makitang kakaunti nalang ang kopya ng libro niya roon. Ibig sabihin, mabenta talaga ito at sobrang tinatangkilik.
Maya-maya, may dumating na isang binata na halos kasing tangkad niya at kumuha ng libro niya. Sa isip-isip ni Marissa, hindi siguro siya kilala ng binata. Naisipan niyang pagmasdan muna ang binata habang binabasa ang libro niya. Hindi nito alam kung dapat ba siyang matuwa na hinahayaan niyang basahin ng libre ang libro niya o hahayaan nalang niya.
Dali-daling naglakad palayo ang binata dala ang libro ni Marissa. Napangiti si Marissa roon. Masaya siya na bibilhin ng binata ang libro niya. Maglalakad na sana siya pabalik sa counter upang bayaran ang mga pinamili niya ng muntik na siyang madulas dahil may naapakan ito. Dinampot ito ni Marissa at nanlaki ang mga mata niya ng makita kung ano ‘yon.
George E. Arcaya
Second Year – Magnolia
SY 2011 – 2012
School I.D. iyon ng binata. Laking gulat niya ng makitang seond year high school pa lang pala ito. Kaagad niyang hinanap ang binata at nang maabutan niya itong papalapit na sa counter, inagaw nito ang libro na siyang ikinagulat ng binata.
“Ano ba? Akin na ‘yan,” saad ng binata.
Inabot ni Marissa ang I.D. ng binata at itinabi ang librong hawak nito. “Hindi pambata ang librong ito. Mukha ka lang pala matanda kasi matangkad ka at malaki ang katawan mo, ‘yon pala, second year high school ka lang. Hindi ka rin pagbebentahan sa counter nito panigurado.”
“Bakit ka ba nakikialam? Eh ‘yong nagsulat nga raw nito, high school din siyang magsimula magsulat ng mga ganito sa mga diyaryo. Bakit hindi siya ang pagsabihan mo?” litanya ng binata.
Nabigla si Marissa sa sinabi ng binata at hindi nito akalain na alam nito ang tungkol doon. Doon niya napatunayan na baka tagahanga niya talaga ang binata. Pero kahit ganoon, hindi niya hahayaan na makabili ang binata ng libro niya.
“Ah, basta! Hindi ka puwedeng bumili nito. Nakita mo naman sa cover pa lang ng libro, puro kalaswaan na. Hindi angkop sa mga batang katulad mo. At saka, ano bang pakialam mo sa author nito? Malay mo naman, passion niya ang pagsusulat at nakahiligan niya lang magsulat ng ganyan.” Depensa ni Marissa.
Inabot ng binata ang libro mula sa gilid ni Marissa at inilayo ito sa kanya sa takot na baka bawiin muli ito. “Ano ring pakialam mo kung ito ang gusto kong basahin? Para namang may gagawin akong masama kapag binasa ko ‘to. Excuse me, miss, hindi ko gagawin ‘yang mga nababasa ko diyan ‘no!”
Sinubukang maglakad palayo ng binata pero hinabol pa rin siya ni Marissa. Nang makarating sa counter, kaagad sinabihan ni Marissa ang mga kahera na huwag bentahan ang binata dahil menor de edad pa lang ito, na siyang sinang-ayunan naman ng mga kahera. Padabog na naglakad palayo ang binata na siyang sinundan naman ng tingin ni Marissa. Lumingon mula sa kinaroroonan niya ang binata at pinandilatan ito ng mata. Tinawanan na lamang siya ni Marissa at binayaran na niya ang mga pinamili niya.
Hindi nito alam kung ano’ng mararamdaman niya. Wala siyang pinagkaiba sa binata dahil menor de edad din siya nang mamulat sa mga ganiyang kuwento. Nagkibit balikat nalang si Marissa at binaliwala nalang ‘yon.