Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sobrang lakas ng pagkakatok sa pinto ng aking kuwarto. Naiinis ko itong tiningnan at ginulo pa ang aking buhok. Ang sarap pa ng tulog ko pero kung sino man ang nasa pinto ay makakatikim talaga siya sa akin ng isang sapak. Kahit sino pa man siya?! "The hell! Kung sino man ang nasa pinto! Just leave!" bulyaw ko na para bang ang boses ko ay maririnig sa buong mansyon. Urgh, nakakainis! Kung ganito na kulang ang tulog ko at kailangan ko pa ng mahabang pagtulog ay hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit. Hindi ko na iisipin kung sino ang walang hiyang nag-abala sa mahimbing kong pagtulog. Napatingin ako sa alarm clock dahilan para mas lalo akong mainis. Five a.m. in the morning! Seriously?! Galit kong ibinaling muli ang aking tingin sa pinto. Tumigil n

