"Ayos lang ako. Hindi mo na kailangang ihatid pa ako sa loob," pagpipigil ko kay Lucas pero mapilit talaga siya. "No, sasamahan pa rin kita. Mapapanatag lang ako kapag naihatid na kita sa loob," sabi niya. Kahit na anong gawin ko ay nagpupumilit pa rin siya. Ang kulit din niya kasi. Sabing maayos na ako at kaya kong maglakad ng mag-isa pero sobra siyang nag-aalala. "Sige na nga, pero hanggang sa pintuan ka na lang. Wala ng aangal," sabi ko habang nakaturo sa kanya ang isa kong daliri. Itinaas naman niya nag kaniyang kamay na para bang nangangako. Ngumiti ako sa kaniya tsaka na kami pumasok ng gate. Hinawakan niya ako sa aking braso para alalayan. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ganito na lamang niya ako alalayan? Kung bakit niya ito ginagawa? Pero nagpapasalamat ako dahil s

