"Are you sure gusto mo pa ring pumasok?" tanong ni Jayden. Tumingin ako sa kaniya na may ngiti sa labi at tumango. Nandito na nga kami sa parking lot ng school tsaka niya tatanungin 'yan. "Walang dahilan para hindi ako pumasok. Ano bang ikinatatakot mo?" sabi ko. "What? Ikinatatakot ko?" pabalik niyang tanong at nilapit ang kaniyang mukha sa akin dahilan para ilayo ko sa kaniya ang mukha ko. "Lumayo ka nga. Baka may makakita sa atin," sabi ko sa kaniya pero ngumisi lamang siya sa akin. "Ikinatatakot ko na baka takasan at iwan mo ako. I want to be sure na hindi mo 'yon gagawin sa akin. You are my one and only, Fern," sabi niya na aking ikinangiti. "Wow naman, ang sarap naman pakinggan. Teka nasaan na pala ang dati kong best friend, huh?" natatawa kong tanong dahil ngayon ay nakikita k

