Chapter 20

1748 Words

Abala na ang iba sa pagkain ngayon. Ako ay nandito malapit sa katubigan at nakaupo sa malaking bato. Nakatingin ako sa mga magagandang mga tanawin dito. Ilang saglit pa ay may napansin akong nakatingin sa akin. Ang bigat sa pakiramdam. Napatingin ako sa gazebo kung nasaan silang lahat pero abala pa rin sila. Napalibot pa ako sa paligid hanggang sa napahinto ako nang makita ang isang bata na malayo sa akin. Pinaninkitan ko ang aking mga mata at tsaka ko napagtanto na siya rin iyung nakita kong bata kahapon. Sa akin lang din siya nakatingin. "Sinong tinitingnan mo diyan?" Napalingon ako sa aking likuran at nakita si Helley. "Huh? 'Yung bata," sagot ko. Napatingin naman siya sa tinitingnan ko kanina. "Sinong bata ang sinasabi mo?" takhang tanong niya. Napalingon muli ako kung saan ko nak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD