Chapter 2

2035 Words
Fern's POV   I'm still here in my car while my earphone plugged into my ear and listening to music. 5 minutes na ang nakakalipas nang makarating ako dito but still hindi pa rin ako lumalabas sa kotse. Napalingon naman ako sa bintana ng kotse nang may kumatok dito. Nang bumaba na ang bintana ay inalis ko na ang earphone ko.   "Ipinatatawag na kayo ng ‘yong ina," wika ng aking butler.   Inutos ko kasi sa kan’ya na ipaalam na muna kay Mama na nandito na ako. S’ya nga pala ang bodyguard ko. He's name is Richard and he is already 30 years old. S’ya lang ang pinagkakatiwalaan kong bodyguard kaya nga s’ya lang ang pinayagan kong sumama sa akin ngayon.   S’ya na ang nagbukas ng pinto nang i-unlock ko ito. Nakasunod lang s’ya sa akin habang naglalakad. Nandito kami ngayon sa beach resort na pagmamay-ari namin. Talagang pinaghandaan nila ang araw na ito. Bakit, mayaman rin ba ang pamilya ng lalaking ‘yon?   Siguraduhin lang talaga nila na gwapo ang lalaking ‘yon kung hindi talagang lalayas na ako at itatanan si Clark, charr. As if naman sasama ‘yon sa akin.   Ang bodyguard ko na ang nagbukas ng pinto at pumasok na ako sa loob. This time s’ya na ang sinusundan ko. Nang makita namin ang pwesto ni mama ay tumungo na kami sa pwesto nila.   "Oh, you're here," Mama said.   Nanlalaki naman ang mga mata niya ng dumapo sa aking mukha ang kanyang tingin at tiningnan ako pababa. Napa-half smile ako. Hindi niya nakikita ang pag-smile ko dahil sa nakasuot ako ng mask.   "Bakit ganyan ang kasuotan mo? Didn't I tell you to wear a proper dress? And look at your face. Anong nangyari sa mukha mo?" agtitimpi n’yang sabi.   Hindi ko sinagot ang mga tanong niya bagkus ay umupo na ako sa bakanteng upuan. Kinuha ko ang glass ng water at uminom. Napatingin naman ako sa harapan ko ng maramdaman kong may nakatingin sa akin.   What the hell.   Nasamid pa ako nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko. Hindi ako maaaring magkamali. Si Tita Adeline at si Tito Hendrix ang nasa harapan ko ngayon. Bakit sila nandito?   "Alicia, mukhang hindi maganda ang pakiramdam ni Fern. How is your feeling, hija? Do you want na ipatingin ka na muna namin sa hospital," nag-aalalang sabi ni tita Adeline.   "Tama ang asawa ko. Pumunta na muna kaya tayo sa hospital at ipatingin si Fern. Pwede namang ipagbukas na lang natin ang pagpaplano sa kasal," sambit naman ni Tito Hendrix.   "Hindi masisira ang araw na ito dahil lang sa kalokohan ni Fern," wika ni Mama.   Hindi ako makapagsalita dahil sa gulong-gulo na ang isip ko. So sila ang magulang ng papakasalan ko.   "What do you mean, Alicia?" tanong ni tita.   "Hindi lang siya nakapag-ayos ng sarili but don't worry she's okay," Mama said while smiling.   "Pero papaano mo ipapaliwanag ang nasa kanyang mukha?" tanong naman ni Tito Hendrix.   "I think napagkatuwaan lang niya ang kanyang mukha kaya niya ‘yan ginawa at siguro nakaligtaan na niya itong tanggalin. So, may I excuse us para makapag-ayos na muna si Fern." Napatango naman sina Tita at Tito bago ngumiti si Mama sa kanila. "Follow me, Fern," maawtoridad na sabi ni mama.   Wala na akong nagawa kung ‘di ang sumunod sa kanya. Napa-roll eyes ako. Useless rin ang pagpaplano kong ito. Nabisto rin ako ni Mommy. Ang dali naman n’yang malaman na isang pakulo ko lang ito. Nakasunod lang ako sa kan’ya habang ang bodyguard ko ay katapat ko lang sa naglalakad. Huminto kami sa harap ng isang private room. Ang bodyguard ko na ang nagbukas ng pinto. Nauna na si Mommy sa pagpasok sa loob.   "Ano bang pumasok d’yan sa isip mo at nagawa mo ito. Sa tingin mo ba hindi ko mahahalata. Kung ginagawa mo ito para ipahinto ko ang arranged marriage well I will not do that," sabi niya. Ano pa ba ang magagawa ko kung hindi ang sumunod sa kanya?   "Okay, fine. Control my life as much as you want," I replied to her.   Pumunta na ako sa bathroom at hindi na s’ya pinansin pa. Nasasakal na ako dahil sa ginagawa nila sa akin. Akala ba nila na madali lang tanggapin kung anumang gustuhin nila. Eh, kung magpagawa na lang kaya sila ng anak nilang robot para kahit habangbuhay na nilang kontrolin.   Napatingin ako sa salamin. Lumaki nga akong mayaman ang mga magulang ko pero hindi ko naman ninais na maging ganito ang buhay ko. Si Dad, s’ya na nga lang ang kakampi ko pero s’ya rin pala itong nagdesisyon na i-arrange marriage ako. I hate him. I hate them.   After 30 minutes ay natapos na akong maligo. Nakapagpalit na rin ako ng disenteng damit ayon sa kagustuhan ng aking ina. I put lip gloss on my lips. Ito lang sapat na. Hindi na kailangan pa ng red lipstick. Nang makuntento ako sa reflection ko sa salamin ay lumabas na ako ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang bodyguard ko na naghihintay sa tabi ng pintuan. Nauna na akong naglakad sa kan’ya. Habang naglalakad ay nagsisiyukuan ang mga tauhan dito sa resort upang magbigay galang. Diretso lang ang tingin ko sa dinadaanan ko at hindi sila tinatapunan ng tingin.   Nang makarating kami sa pwesto ni Mommy ay umupo na ako sa dating inupuan ko kanina katabi ng upuan ni Mommy. Napatingin naman ako sa harapan ko at napangiti kina Tito at Tita.   "You're so beautiful, hija. Kaya tama lang talaga ang desisyon namin na ikaw ang pakasalan ni Jayden," sambit ni Tita Adeline.   Wait—did she say Jayden? No, it can’t be. Baka nagkamali lang ako ng narinig. Napatingin ulit ako kina Tito at Tita. Kung sila ang nandito ang ibig sabihin nito ay anak nila ang ipapakasal sa akin. Alam ko na dalawa lang ang anak nila. Isa na dito si Cassandra at si...   "Jayden," wala sa sarili kong sambit.   "Yes, he's here." Dahan-dahan akong napalingon sa kung saan sila nakatingin.   Seriously. Are they joking or what?   Ngayon ay nakikita ko si Jayden na papalapit sa amin. Oh no this can't be happening.   Napalingon s’ya sa direksyon ko. Kunot-noo naman niya akong tiningnan. Nang makarating s’ya sa pwesto namin ay napalingon s’ya sa mga magulang nya.   "Take your sit Jayden para mapag-usapan na natin ang tungkol sa inyong kasal ni Fern," nakangiting sambit ni Tita Adeline.   Totoo nga na si Jayden ang gusto nilang ipakasal sa akin. Talagang nababaliw na sila. Bakit? Bakit sa best friend ko pa? Kung sa ibang lalake matatanggap ko pa. But the hell, bakit kay Jayden pa.   "Tsk. Are you serious for this? Kay Fern n’yo ako gustong ipakasal?!" sigaw niyang tanong.   "Lower your voice, Jayden. Napag-usapan na natin ito at wala ka nang magagawa kung hindi ang sumunod," nagtitimping sabi ni tito Hendriz. "Now, take your seat."   Tumingin si Tito kay Jayden na may halong pagbabanta. Nakita ko naman na naikuyom ni Jayden ang kamay niya at umupo na s’ya katabi ni Tita Adeline.   Si Mommy na ang unang nagsalita tungkol sa gaganaping kasal. Wala naman akong ganang nakikinig sa pinag-uusapan nila. Mukhang gano’n din si Jayden. Sa tuwing tinatanong nila ako ay tumatango na lang ako. Napag-usapan nila na sa susunod na month na gaganapin ang kasal. Gusto pa talaga nilang madaliin ang kasal. Ganito ba sila kaatat na pagsamihin kaming dalawa. Hirap pa nga akong tanggapin sa sarili ko ang nangyayari ngayon.   After nilang pag-usapan ang kasal ay tumayo na si Jayden at tumuloy lang sa paglalakad. Balak pa sanang tumayo ni Tito para sundan si Jayden pero pinigilan s’ya ni Tita. Tumayo ako.   "Where are you going," tanong ni Mommy.   Tumuloy lang ako sa pag-alis at hindi na sinagot ang tanong n’ya. Nang makalabas ako ay hinanap ko agad si Jayden. Nasaan na kaya s’ya nagpunta. Tumakbo ako papunta sa tabing dagat pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Saan na ba nagsusuot ang lalaking ‘yon. Kailangan ko s’yang kausapin. Gusto kong magpaliwanag sa kan’ya. Baka kasi iniisip niya na pumayag ako sa kagustuhan ng mga magulang namin at hinayaan ko na lang sila sa plano nila.   Habang hinahanap ko si Jayden ay hindi ko na namalayan na napunta na ako sa dulo ng resort kung saan ay kakaunti na lamang ang mga tao.   "Nasaan ka na ba, Jayden?" Halos gusto ko nang magwala kung saan ako nakatayo ngayon dahil hindi ko mahanap si Jayden.   Siguro hindi s’ya dito pumunta or maybe umalis na s’ya ng resort. Alam kong galit siya at hindi ko rin naman siya masisisi na magalit siya sa mga magulang niya dahil ganon rin ang nararamdam ko sa mommy at daddy ko. Pero paano kung pati sa akin galit s’ya. Hindi ko matatanggap kung magkaroon s’ya ng galit sa akin.   Mula pagkabata ay magkapatid na ang turingan namin sa isa’t isa pero heto napunta kami sa sitwasyong kailangan naming sumunod sa kagustuhan ng aming mga magulang. Nang hindi ko talaga mahagilap si Jayden ay sumuko na lang ako. Hahakbang na sana ako nang biglang may humawak sa aking braso.   "Miss, are you looking for something?" sabi ng isang lalaking hindi ko kilala.   "Let me go," I said to him. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin. Wala s’yang karapatan para hawakan ako. Hindi ba niya alam kung sino ang nasa harapan niya. Hayst Stupid Fern mukha nga s’yang walang alam, eh. Nakainom pa yata siya. Amoy alak kasi ang hininga niya.   "Kung ako sa ‘yo, miss, sumama ka na lang sa akin. Samahan mo na lang akong mag-enjoy." Balak pa sana niyang halikan ako nang sampalin ko siya gamit ang isa kong kamay.   "Let me go!" Napataas na ang boses ko nang mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.   "Yan ang gusto ko sa isang babae palaban," nakangiti n’yang sabi. Yuck! Hindi ako pumapatol sa tulad n’ya, noh? Bakit ba ako ang nakita nito? Hindi naman ako makawala dahil sa lakas ng pagkakahawak niya sa akin. Masyadong malaki ang katawan niya kaya imposibleng makawala ako sa kan’ya.   "Help! Please, tulungan nyo ako! Help!" Hindi ko na napigilang umiyak dahil nasasaktan na rin ako sa paraan ng pagkakahawak nya. Please, I need help.   "Kahit na sumigaw ka wala nang makakarinig sa iyo dito. Tayo na lang ang nandito. Kaya ‘wag ka nang magpakipot pa. Papasayahin naman kita." Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas sa kanya. Inilapit naman niya ang mukha niya sa leeg ko nang biglang bumagsak siya sa lupa.   "Don't f*cking touch my best friend!" galit na galit na sigaw ni Jayden habang patuloy na sinusuntok ang lalaki. Nagulat naman ako dahil sa pagsulpot ni Jayden. Hindi na gumagalaw ‘yong lalaki kaya pinigilan ko na si Jayden.   "Jayden, stop it, baka mapatay mo siya!" Hinila ko na si Jayden para pigilan. Tumayo naman na s’ya. Napatakip naman ako sa bibig ko nang makita ang mukha ng lalaking nakahandusay sa lupa. Punong-puno na ng dugo ang mukha nito at parang ibinuhos ni Jayden lahat ng galit niya sa lalaki. Buhay pa kaya siya?   "Let's go." Hinila na ako ni Jayden papaalis sa lalake.   "Pero Jayden, panao ‘yong lalaki. Duguan s’ya." Napahinto naman s’ya dahil sa sinabi ko. Kunot-noo niya akong tiningnan. "Tsk. Muntikan ka nang magahasa ng lalaking ‘yon! Siya pa ang inaalala mo!" sigaw nito sa akin. Binitawan na niya ako at nauna nang naglakad.   Talaga naman kasing grabe ‘yung ginawa niya sa lalaki, eh pero nagpasalamat ako na dumating s’ya para iligtas ako. Tumakbo na ako papunta sa kan’ya.   "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya.   "Mag-uusap talaga tayo," cold nyang sabi.   Ito ang ayaw ko sa kanya ‘yung nagiging cold s’ya sa akin pero kailangan ko s’yang intindihin ngayon dahil alam ko kung gaano kahirap ang pinapagawa ng magulang niya sa kanya. Alam kong mabigat ang dinadala niyang problema dahil may isang tao pa s’yang iniintindi. Ang babaeng mahal niya. Ang babaeng pinagkakatiwalaan ko at kaibigan ko. Saksi ako sa kung gaano nila kamahal ang isat-isa. Ayaw kong makitang masaktan si Andy dahil sa arranged marrige na pinlano ng mga magulang namin na hindi naman namin ginusto ni Jayden. Kaibigan ko si Andy at ayaw kong mawalan ng kaibigang tulad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD