Nakaupo ako sa buhangin habang nakatingin sa dagat. Nandito kami ngayon sa tabing dagat. Ang iba ay nasa tubig habang nagsasaya at ako ay nandito lamang habang nanunuod sa kanila. Medyo okay na rin ang aking paa kaya napilit ko si Jayden na sumama sa kanila. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa nararamdaman ko. Unti unti kong nararamdaman na nahuhulog na pala ako. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa na nagkabalikan na sina Jayden at Andy ay tsaka ko ito mararamdaman. Kung hahayaan ko lang sarili kong mangyari ito lalo ko lamang masasaktan o masisira ang meron sa kanila. Wala rin naman akong mapapala kung sakaling papabayaan ko lamang ito kung hindi ay alam ko na ako ang magiging talo. "Ang lalim ng iniisp natin, ah." Napatingin ako sa aking gilid ng may nagsalita dito. Umupo naman si

