Nang tuluyan ng bumalik sa ayos ang kuryente ay nakahinga na ako ng maluwag. Unti-unti na ring humihinahon ang pakiramdam ko. Habang nakahiga ako ay sumulyap ako kay Jayden na nakahiga sa tabi. Nakatulog na siguro siya kaya hindi ko na siya aabalahin pa. Napatingin naman ako sa table na katabi ng kama. Inabot ko ang cellphone ko nang nag vibrate ito. Pagtingin ko sa screen ang pangalan agad ni Mommy ang nakita ko. Dahan-dahan akong umalis sa kama para sa ganoon ay hindi magising si Jayden at lumabas na ako ng kuwarto. Tumungo ako sa sala. Naka ilang ring pa itong cellphone bago ko sinagot. "Hello," walang gana kong sabi. Hindi pa rin ako komportableng kausapin siya. Matagal na ng huli naming pag uusap. Simula ng mag sama na kami ni Jayden sa isang bubong ay iniiwasan ko na siyang kausapi

