(13 years ago) “Mommy, Daddy, Miranda?” Umiiyak ang batang babae habang naglalakad ito sa evacuation center kung saan ay doon dinala ang mga kagaya nitong nakaligtas sa paglubog ng barko. Sa mura nitong edad ay hindi pa nito maiintindihan ang nangyayari. Sa kalagitnaan ng pag-iisa ng bata ay nakatayo ang isang binatilyo na nakatitig sa batang babae na walang ibang nagawa kundi ang pagmasdan ang paligid habang humihikbi. “Hi, pretty girl.” Pagbati ng binatilyo at lumapit siya sa batang babae at binigyan niya ito ng tangkay ng bulaklak na pinitas pa ng binatilyo sa labas ng evacuation. Napatitig sa kaniya ang bata at imbes na kunin ang inabot niyang bulaklak ay kinuha ng bata ang hawak niyang hamburger na may kagat na niya kaya agad itong binigay ng binatilyo at inakbayan niya ang

