Nakaupo sa tumba-tumbang banko si Donya Ara habang nakatanaw sa malayo at lumilipad ang isip pabalik sa nakaraan. Hindi niya napapansin na unti-unti na palang lumalandas ang kaniyang mga luha. Ginawa nila mag-asawa ang lahat upang maging normal ang kanilang pamilya ngunit sa pagtakbo ng mga panahon ay unti-unti rin lumalabas ang katotohanan. Marahil tama si William, walang lihim na hindi nabubunyag. “Ara?” Lumapit si Matthew sa asawa upang aluin sana ito ngunit tinaas lang ni Ara ang kamay pahiwatig na huwag siyang lapitan ng asawa. “May nalalaman si William at kilala mo ang anak mo! Paano mo nagawa ‘yon sa anak mo? paano mo kami nagawang traydurin?” sunod-sunod na pag-iyak ng Donya. Maging si Matthew ay gulong-gulo na rin. “Hindi ko rin alam, hindi ko sinadya! Huli na rin ng mal

