Papalubog na ang araw ng makauwi si Holland galing bayan at naabutan nito si Mia na nakaupo sa labas ng bakuran. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagsasama na sila ng dalaga. Subrang Ganado siya sa araw-araw at kung maari lang ay huwag na siyang umalis para maghapon lang silang magkasama ni Mia. Ngunit batid niyang hindi puwede ‘yon lalo pa at pinaplano na niya ang magpakasal na sila ni Mia. Kagabi kasi napag-usapan nila na kahit sa civil wedding lang muna ang mahalaga ay mabasbasan ang kanilang pagsasama. Kapag nakaya na sa ipon niya ay saka niya pakakasalan si Mia sa simbahan. “Baby, narito na ako.” Bakas ang galak sa boses ni Holland at hindi siya narinig ni Mia kaya mas nilakasan niya pa ang boses pero nalagay na lamang niya ang mga pinamili sa loob ng bahay ay

