“HINDI ka ba nababahala?”
Kunot noong napalingon sa gawi niya si Lay Raven. Abala ito sa pagbabasa ng dyaryo habang siya naman ay ipinaghahanda ito ng agahan. Naroon sila sa hardin, gaya ng nakagawian nila tuwing umaga. Ibinaba niya ang hawak na takure at tumabi sa kanyang asawa.
“Saan ako mababahala?” kunwa’y tanong nito.
She rolled her eyes. “Kanino kamo.” Tinapunan niya ng tingin ang anak nilang si Crystal na noo’y abala sa pagdidilig sa mga alaga nitong orchids.
“Kay Crystal?”
“Trenta’y anyos na ang anak natin pero dalaga pa rin. Dapat ay nag-aasawa na siya!”
Hindi na siya nagtaka nang bigla itong natawa. Kunwa’y naiiling na ipinagpatuloy nito ang binabasa nito. Napabuntong hininga siya. They have been married for fifteen years now. Sa kabila ng pangamba niya sa kanyang anak na hanggang noo’y hindi pa rin nag-aasawa ay hindi niya napigilang mangiti nang mapagmasdan ang nag-iisang lalaki sa buhay niya.
Hindi niya inakala na tatagal sila. When he proposed that day, sinabi na niya sa kanyang sarili na anuman ang mangyari, magtagal man sila o hindi ay tatanggapin niya. Pero desidido itong patagalin ang kanilang relasyon. Nakatulong ang pagiging open nila sa isa’t isa. Malaking tulong ang naging pagbabati nito sa kanyang ama. Malaking tulong na naging maayos ang lahat.
Naging malapit na rin siya sa mga magulang nito, gayon din ito sa mga magulang niya. Ang sampung taong pagkakawalay nila noon ay nagbigay ng maraming aral sa kanilang buhay mag-asawa. Sa ngayon, kahit na ano’ng hirap ang kaharapin nila ay hindi na siya nangangambang magkakahiwalay ulit sila. For the past fifteen years, he has proved his undying love for her.
“I love you, Lay Raven,” aniya sabay yakap rito.
Ibinababa nito ang hawak at hinawakan ang mga kamay niya. “Ikaw ang buhay ko, Ruth.”
Sa loob rin ng labing limang taon ay hindi nawala ang pagiging sweet nila sa isa’t isa. Isang bagay na ipinagmamalaki niya. They’ve become matured as the years passed by.
“Pero nag-aalala pa rin ako sa anak natin. Paano kung tumanda siyang dalaga?”
Napailing sila. Ang naging buhay mag-asawa nila, bagamat naintindihan naman ni Crystal noon, ay nagsilbing tila warning para rito. Natatakot na itong magpakasal. Ni minsan nga ay hindi pa ito nagkakanobyo. Somehow, nakokonsiyensya sila sa kinahinatnan nito. Mabuti nga at hindi naabutan ng bunso nilang si Kris ang naging gusot sa pamilya nila noon eh. Kaso, sa edad na kinse ay may malaking posibilidad na maging playboy ang anak nila.
“Don’t worry. She’s matured enough to know what is right and what is wrong.”
Napangiti siya. They were both forty five and still in love with each other. They have the best family. They were all happy. Ano pa ba ang mahihiling niya? Kinintalan niya ng halik ang pisngi ng kanyang asawa. “I’m so lucky to have met you.”
“I am luckier to have you as my wife,” anito bago humarap sa kanya.
“I love you forever,” ngiti niya.
“I will always love you, until the day I die,” anito bago siya kinintalan ng isang matamis na halik sa mga labi. Wala na siyang mahihiling pa. She was so happy that twelve years ago, they have found their way back into each other’s love.
~wakas~